Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesRobin Padilla ipinagtanggol si Toni Gonzaga sa banat ni Erik Matti: ‘You...

Robin Padilla ipinagtanggol si Toni Gonzaga sa banat ni Erik Matti: ‘You love to talk about freedom but don’t respect freedom of others’

Ipinagtanggol ni senatorial candidate Robin Padilla ang aktres na si Toni Gonzaga mula sa kritisismo ng tanyag na direktor na si Erik Matti.

Matatandaan na binatikos ni Matti si Gonzaga dahil sa pagpapakita ng aktres ng suporta kay presidential candidate Bongbong Marcos.

Nag share pa si Gonzaga ng post mula sa isa niyang fan na tinawag siyang ‘unbothered’ sa mga kritisismo na kanyang natanggap.

“I cannot fathom anyone, who have access to the same historical facts from our books and Youtube like everyone else, can still have the gall to hold their head so high to the point of being so arrogant and obnoxious to brush away critics and dissenters even acknowledging and flaunting it with such an insensitive hashtag.” sabi ni Matti.

“You can do whatever you want with your celebrity power and God’s guidance because this is a free world, after all. But to be brazen, arrogant and snooty makes all of it despicable, disgusting and really crude.” dagdag niya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by erikmatti (@erikmatti)

Sa kanyang Facebook post naman ay hindi napigilan ni Padilla na ipagtanggol si Toni at tinanong ang direktor kung bakit nakikisawsaw pa ito sa isyu.

“Ano ba yun napanood mo na sinasabi mo Erik matti. Baka propaganda ang ibig mo sabihin nakikisawsaw ka pa sa pagbanat kay TONI G. Kung May karapatan ka sumuporta sa kandidato mo May karapatan din si TONI G. Hindi ka naman pinakikialaman ng Tao sa sinusuportahan mo,” sabi ni Padilla.
“Pa inglis inglis ka pa,” dagdag pa nito.
Naniniwala rin si Padilla na dapat ay respetuhin na lamang ang naging desisyon ni Gonzaga na suportahan si Marcos.
“Artistic at Political freedom niya yun kung sino ang gusto niya suportahan. You love to talk about freedom but you don’t respect the freedom of others.” sabi pa ng senatorial candidate.
“Director ka diba. Kasama sa pinag aralan mo ang pag alam sa two sides ng istorya. Anong makuha mo in Bullying a woman,” dagdag niya pa.
Mula sa Facebook post ni Robin Padilla
Wala pang tugon si Matti sa mga banat sa kanya ni Padilla.
Matatandaan na ilang beses din noon binatikos ni Matti ang kasalukuyang administrasyon at sinisi pa ang mga OFW na pumili kay Pangulong Duterte.
Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular