Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesRita Avila, pinuna ang paghagis ng face mask ni Bongbong Marcos sa...

Rita Avila, pinuna ang paghagis ng face mask ni Bongbong Marcos sa kanyang mga tauhan

Pinagkumpara ng aktres na si Rita Avila sila presidential candidate Bongbong Marcos at vice presidential candidate Kiko Pangilinan sa isang video.

Sa kanyang Instagram post, pinuna ni Rita ang “manners” ni Marcos kung saan ay makikita ang dating senador na inihagis na lamang ang kanyang face mask matapos niya itong hubarin bago ang kanyang talumpati.

Tinawag niya rin na “unsanitary” “inconsiderate” at “impolite” si Marcos dahil sa ginawa ng dating senador na paghahagis ng face mask.

“Always defies rules. Wag ganun.┬áPati trolls basura ang mga posts na fake news. Wag ganun.” sabi ng aktres.

Samantalang makikita naman si Pangilinan na inilagay sa kanyang bulsa ang kanyang face mask matapos niya itong hubarin.

“Manners matter.┬áSen. @kiko.pangilinan has shown how it is to be courteous, how to properly handle the face mask, and how to follow health protocols,” ani Rita.

Hanggang ngayon ay mahigpit na ipinatutupad ng gobyerno ang health protocol lalo na sa mga kandidato na madalas nakikisama sa maraming tao.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rita Avila (@msritaavila)

Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng tugon ang kampo ni Marcos sa banat sa kanila ni Rita.

Isa si Rita sa mga tagasuporta ng karibal ni Marcos na si Vice President Leni Robredo.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular