Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesOgie Diaz, may mensahe kay Toni Gonzaga: "Toni nakalimutan mo na ba...

Ogie Diaz, may mensahe kay Toni Gonzaga: “Toni nakalimutan mo na ba talaga or talagang alam mo?”

May mensahe ang talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang kasamahan sa ABS-CBN na si Toni Gonzaga matapos ang kontrobersyal na pagiging host nito sa proclamation rally ni Senador Bongbong Marcos at Mayor Inday Sara Duterte.

Matatandaan na tumaas diumano ang kilay ng mga taga ABS-CBN sa pagsuporta ni Toni kay Marcos ngunit mas lalong nag init ang mga Kapamilya dahil sa kung paano ipinakilala ng aktres si senatorial candidate at SAGIP party-list Rep. Rodante Marcoleta sa nasabing event.

Si Marcoleta ang isa sa mga nagsulong sa pagpapasara ng ABS-CBN dahil diumano sa mga paglabag na ginawa nito.

Mula sa Instagram page ni Bongbong Marcos (@bongbongmarcos)

Sa kanyang vlog, humingi ng pahayag si Ogie mula kay Toni kung alam niya ba ang ginawa ni Marcoleta sa ABS-CBN bago niya ito ipinakilala sa publiko.

“Siguro si Toni, bilang host siya e binabasa lang niya, may binabasa po siyang monitor kung paano niya ipakikilala ang susunod na magsasalita. E doon lang siya nakatuon. Siguro din nakalimutan ni Toni yun palang si Marcoleta ang isa sa dahilan kung bakit hindi nabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN. So, nakalimutan siguro yan ni Toni,” ani Ogie.

“Pero kung ito ay hindi nakalimutan ni Toni’t pinaninindigan niya na talagang trabaho niya bilang host na ipakilala lahat ang magsasalita so be it,” dagdag niya pa.

Mula sa Instagram page ni Bongbong Marcos (@bongbongmarcos)

Diretsahan naman tinanong ni Ogie kung ano nga ba ang pagkakakilala ni Toni kay Marcoleta.

“Toni nakalimutan mo ba talaga or talagang alam mo ‘yun at aware ka na si Marcoleta ‘yun ini-introduce mo,” tanong ni Ogie.

Sinabi pa ni Ogie na kung siya man ang naging host sa proclamation rally ng BBM-Sara tandem ay hindi niya makakaya na ipakilala si Marcoleta sa publiko at mas pipiliin na humiling ng co-host na siyang sasambot sa kanya.

Mula sa Instagram page ni Bongbong Marcos (@bongbongmarcos)

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Toni tungkol sa mga pambabatikos na kanyang natanggap.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular