Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesHindi tumalab ang cancel! Toni Gonzaga, lalo pang dumami ang subscribers kahit...

Hindi tumalab ang cancel! Toni Gonzaga, lalo pang dumami ang subscribers kahit inulan ng batikos sa pagsuporta kay BBM

Tila hindi tumalab ang ‘pag cancel’ sa television host na si Toni Gonzaga na matatandaan na inulan ng batikos dahil sa pagbibigay nito ng suporta kay presidential candidate Bongbong Marcos.

Ayon kasi sa website na social blade ay lalong dumami ang subscribers sa Youtube ni Toni na ‘Toni Gonzaga Studio’

Simula noong Pebrero 8 kung saan nangyari ang BBM-Sara proclamation ay nadagdagan ng 60,000 subscribers ang aktres mas mataas sa daily average followers na nakukuha nito na 5,300.

Sa ngayon ay mayroon ng 5,000,000 subscriber sa Youtube ang aktres na kamakailan lang ay nagresign na sa kanyang pagiging host sa Pinoy Big Brother matapos ang 16 na taon.

Screencap mula sa socialblade

Matatandaan na ilang netizens sa Twitter ang sinabi na mag-unsubscribe na sila sa aktres dahil sa ginagawa nitong pagsuporta kay Marcos.

The whole social media world has been trying to educate Toni Gonzaga a lot of times pero she refuses to be educated. Shame on her for disrespecting all the victims of martial law. I say deplatform people who are not worthy of it. Unfollow and Unsubscribe Toni “Enabler” Gonzaga!” sabi ni @jebrutas.

“#UnbotheredQueenToniG HYPOCRITE . MUKHANG PERA yan si Toni Gonzaga. Unsubscribe na kayo sa Youtube Channel niya.” ani @topherlabsman.

Unsubscribe sa You Tube, Unfollow sa instagram, Unfriend sa Facebook si Toni Gonzaga, isama na si Alex Gonzaga para patunayan natin na di tayo minority kay Paul Soriano,” tweet naman ni @juliegirl824.

“Toni Gonzaga is confident to step down because she already has more than enough money she made from ABS the past years and cause she has her youtube channel. Unsubscribe. Deplatform. I hope celebrities wont collab with her too.” mensahe naman ni @mercadejasazii.

Wala pang opisyal na pahayag si Toni sa pambabatikos na kanyang natanggap.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular