Monday, September 26, 2022
HomePoliticsGrabe naman! Yorme Isko Moreno, binato habang nasa motorcade

Grabe naman! Yorme Isko Moreno, binato habang nasa motorcade

Gigil na gigil ang ilang supporters ngayon ni presidential candidate at Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso matapos itong tila hindi pakitaan ng respeto sa kanyang motorcade.

Sa nasabing video, makikita ang alkalde habang namimigay ng bulaklak sa mga nadadaanan niyang residente ng Maynila.

Makikita na tila inaalok ang alkalde ng turon ng nasabing supporter niya ngunit hindi ito pinansin ng alkalde.

Matapos ang ilang segundo ay ibinato ng nasabing supporter ang turon kay Moreno at tumama ito sa kanyang balikat.

Hindi naman ito napansin ni Moreno at ng kanyang mga security.

Ikinagalit naman ng ilang tagasuporta ni Moreno ang ginawa sa kanilang kandidato.

“Kung ayaw nyo sa kandidato, dedma nyo nalang kaysa batuhin nyo pa ng kung ano2….mabait naman c Mayor Isko Moreno Domagoso at may malasakit sa mga tao, mas magaling pa nga xia na Mayor kaysa Mayor namin dto….dami din nyang nagawa sa maynila..” sabi ni netizen Enexam Thiwd.

Ngunit may ilan naman na sinabi na baka hindi naman sinasadya ang pagkakabato ng turon sa alkalde.

“HNDI NMN CGURO ENTENSYON NA MNAKIT YUNG TAO…KYA LNG SA PGMMDALI NYA MAIABOT AT PAPALAYO NG SASAKYAN..HINAGIS NLNG NYA,” ani Ricardo Kassieh.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang kampo ng alkalde tungkol sa insidente.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular