Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesDating PBB housemate Dawn Chang, binanatan si Toni Gonzaga: Paano mo nasikmurang...

Dating PBB housemate Dawn Chang, binanatan si Toni Gonzaga: Paano mo nasikmurang suportahan at tulungan sila?

Hindi naitago ng dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Dawn Chang ang kanyang pagkadismaya sa aktres na si Toni Gonzaga matapos niyang magpakita ng suporta kay presidential candidate Bongbong Marcos.

Sa kanyang post sa Facebook, binanatan ni Dawn ang dating host ng PBB at tinanong kung bakit nagawang masikmura ni Toni ang pagsuporta sa mga Marcos na mayroon diumanong ginawang masama sa mga Pilipino noo.

“It’s my greatest honor to verbalize what other people cannot say: I am deeply insulted and disappointed by the actions of my fellow kapamilya actress Ms. Toni Gonzaga. Paano nyo po nasikmurang suportahan at tulungan ang mga taong may malupit na nakaraan sa kasaysayan ng bansa at sa pagkawala ng trabaho ng mga kasama natin sa industriya?” ani Dawn.

“As a former PBB housemate, alam kong magtatampo nyan si Kuya. I cannot remain quiet. Alam ng lahat ng artista na mas “safe” ang manahimik na lamang. Pero hindi ko po kaya. Hindi pwede. It is my privilege to lend my small voice in this battle for the soul of our country. Kaya sa aking mga kapwa Pilipino, kay VP Leni Robredo Leni Gerona Robredo po ang suporta ko. Hindi po ako binayaran dito.” dagdag pa niya.

Ayon pa sa kanya ay hindi daw pera ang usapan ngayon kundi prinsipyo na.

Hindi naman malaman kung pinapasaringan ba nito si Toni na binayaran para suportahan ang mga Marcos.

Sa ngayon ay mayroon ng 240,000 reactions ang nasabing post at 34,000 shares.

Hindi naman pinansin ni Toni ang mga sinabi sa kanya ni Dawn.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular