Wednesday, October 5, 2022
HomePoliticsTikTok user na nasa likod ng 'assassination plot' ni BBM sinabing ginamit...

TikTok user na nasa likod ng ‘assassination plot’ ni BBM sinabing ginamit lang ng iba ang kanyang pangalan

Ipinakita sa publiko ng National Bureau of Investigation ang isa sa mga pinaniniwalaang suspek sa likod ng ‘assassination plot’ laban sa presidential candidate na si Ferdinand “Bongbong” Marcos.

Sa isang press conference, sinabi ng sumukong suspek na si Ruel ‘Bong’ Ricafort na isa sa mga diumano’y nagbanta na tatapusin ang buhay ni Marcos.

Ayon naman kay Ricafort ay sumuko siya sa NBI upang linisin ang kanyang pangalan.

Kwento niya ay mayroon diumanong gumamit ng kanyang pangalan at sinabi na sila ang nagbabanta laban kay Marcos.

“We are just starting to investigate. [He] is saying that he is not that person and the TikTok account was just made up. As soon as we determine the criminal liability, we will definitely file [raps].” ani NBI Deputy Director Vicente De Guzman III.

Tila magkaibang tao naman si Ricafort at ang TikTok user na si @ljluna7 na nagpost din ng pagbabanta laban sa kandidato.

Sa isang video na ibinahagi ng Facebook page na “Snorlax” ay makikita ang isang TIkTok user na nagngangalang @bongruericafort na pabulong na pinagbabantaan sa isang live video si BBM.

Sa ngayon ay pinag aaralan na ng kampo ni Marcos kung gaano nga ba kalala ang banta laban sa kanilang manok sa pagkapangulo.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular