Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesMga kasamahan ni Toni Gonzaga sa ABS-CBN dismayado sa pagsuporta nito kay...

Mga kasamahan ni Toni Gonzaga sa ABS-CBN dismayado sa pagsuporta nito kay BBM: “Paano mo nasikmura yun?”

Puro patama ang natanggap ni Toni Gonzaga sa kanyang mga kasamahan sa ABS-CBN matapos nitong maging television host ng proclamation rally ng tambalang Bongbong Marcos at Inday Sara Duterte.

Sa ilang tweet, tila hindi natiis ng ilang nasa ABS-CBN ang ginawa ni Toni.

Eto ang ilan sa mga tweet na pinapaniwalaang patama laban sa aktres:

“Paano mo nasikmura yun…” ani Miguel Dumaual.

“Pretty painful to see.” tweet ni Gretchen Ho.

“Binuild up nang bongga only to betray you like that.” sabi naman ni Dionne Monsanto na dating housemate sa Pinoy Big Brother kung saan host si Toni.

“How dare they. This is hurtful and still unbelievable. And to emphasize… It’s not just a job for most of us. It was our dream, advocacy, and mission. As someone who is directly affected, this is personal.” saad naman ni Kevin Manalo na isang reporter ng ABS-CBN.

Samantala ay pinaalala naman ng isa pang host ng ABS-CBN na si Marc Logan ang pahayag noon ni Toni para sa mga nawalan ng trabaho noong nagsara ang Kapamilya network.

Kahit ang aktor na si Sam Concepcion ay inihalintulad si Toni sa karakter na si Queenie Goldstein na dati’y bida na naging kontrabida sa isang pelikula.

Samantala ay hindi naman pinansin ni Toni ang mga pambabatikos na kanyang natanggap dahil sa ginawa niyang pagsuporta kay Marcos.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular