Home Celebrities Asawa ni Toni Gonzaga may mensahe sa netizens matapos suportahan si BBM: “There’s no need for me to cancel anyone”

Asawa ni Toni Gonzaga may mensahe sa netizens matapos suportahan si BBM: “There’s no need for me to cancel anyone”

0

Nagbigay ng reaksyon ang asawa ng television host na si Toni Gonzaga sa mga kritisismo na kanyang nantanggap dahil sa pagpapakita nito ng suporta sa tambalan nila presidential aspirant at senador Bongbong Marcos at vice presidential aspirant at Davao City Mayor Inday Sara Duterte.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Direk Paul Soriano na hindi siya makikigaya sa nauuso ngayong ‘cancel culture’.

Ayon kay Paul ay nirerespeto niya ang paniniwala ng mga netizens kahit na ikinalngkot niya ang pambabatikos na natanggap niya online.

“There’s no need for me to cancel anyone whether you like me, you love, you hate me. I just wanna get the record straight I didn’t say that I’m cancelling anyone. It’s unfortunate what happened online, but I guess it’s part of the society we live in today. And at the end of the day I subscribe to unity as what BBM and Sara are living by.” ani Paul.

“Hopefully, our country will understand and one day realize that it’s important to come together rather than be against each other.” dagdag niya pa.

Si BBM ang ninong ni Paul at Toni sa kanilang kasal kaya naman hindi maikakaila na malapit ang mga ito sa isa’t isa.

Si Paul din ang direktor ng campaign advertisement ni Marcos na pinamagatang ‘Unity’.

Matatandaan na nabatikos din ang asawa nito na si Toni dahil sa pagbibigay nito ng panayam kay Marcos.

 

Facebook Comments