Home Politics DOJ cybercrime division, natuklasan ang planong pagkitil sa buhay ni BBM

DOJ cybercrime division, natuklasan ang planong pagkitil sa buhay ni BBM

0

Natuklasan ng cybercrime division ng Deparment of Justice (DOJ) ang plano diumano ng isang grupo na patumbahin ang nangunguna ngayon na presidential aspirant sa mga survey na si dating senador Bongbong Marcos.

Ayon sa DOJ cybercrime group officer-in-charge Atty. Charito Zamora ay nakikipagtulungan na sila sa social media platform na Tiktok kung saan nagmula ang diumano’y plano na tapusin ang buhay ni Marcos.

Ibinahagi ni Zamora na nakikipagusap na sila sa TikTok Law Enforment Outreach ng TikTok upang makuha ang iba pang impormasyon tungkol sa user na si @ljluna7 na diumano’y sinabing may plano na silang patumbahin si BBM.

“As a matter of procedure, we immediately proceed in having it investigated because of the seriousness of the subject. It’s really an actionable intelligence concern,” ani Zamora.

May isang netizen na nagngangalang @PinkieLeafy ang nakakuha ng diumano’y mismong screen capture ng pagbabanta ni @ljluna7.

“May person (@ljluna7) na Leni supporter sa Tiktok na nag babanta kay BBM. Kung legit kang kakampink tigil mo yan. Nakakasira ka ng image ng kakampink. Baka pakawala ka lang nila.” sabi ni @pinkieleafy sa kanyang tweet.

Makikita sa ang suspect na naglabas ng mensahe sa isa sa mga video sa Tiktok at sinabi na mayroon na silang “meeting” upang paghandaan ang pagpapatumba kay BBM.

“Nagmeeting kami araw araw para paghandaang ipa-asassinate namin si BBM humanda kayo,” sabi ng suspek.

 

Screencap mula kay @PinkieLeafy

Nakuha rin ni Pinkie ang screencap ng mismong profile ni @ljluna7 kung saan ay gamit gamit pa nito ang larawan ni Vice President Leni Robredo.

Sa ngayon ay hindi na mahanap pa ang profile ng suspek.

Samantala ay naglabas naman ng pahayag ang kampo ni Marcos at sinabi na hindi sila matatakot sa mga pagbabanta ng mga kalaban nila.

“While the report on the assassination plot is concerning, we are not cowered by such threat. Bongbong shall continue to personally deliver his message around the country with firm resolve to unify the nation.” ani Atty. Vic Rodriguez, spokesman ni BBM.

“We commend the cybercrime office of the Justice department, through Sec. Menardo Guevarra, for its swift and uncompromising response to uncover those behind this open threat to harm aspiring president Bongbong Marcos,” dagdag pa niya.

Wala pang pahayag ang kampo ng suspek sa posibleng kasong kaharapin niya.

Facebook Comments