HomePoliticsBoy Abunda, may katanungan tungkol sa Martial Law: "Di lang naman ang...

Boy Abunda, may katanungan tungkol sa Martial Law: “Di lang naman ang mga Marcos ang involve”

Usap usapan ngayon sa social media ang magiging panayam ni Boy Abunda sa mga presidential aspirants na sina Ping Lacson, Bongbong Marcos, Isko Moreno, Manny Pacquiao at Leni Robredo.

Matatandaan na hindi nagpaunlak ng panayam si Marcos sa programa ng GMA News na ‘The Presidential Interviews’ dahil ‘biased’ daw ang host nito na si Jessica Soho at sinabi na kay Abunda na lamang sila magpapa-interview.

Dahil dito ay kumalat muli sa social media ang isang video kung saan ibinabahagi nito ang kanyang pananaw tungkol sa panayam ni Toni Gonzaga kay BBM.

Ibinahagi rin ng ‘King of Talk’ kung ano nga ba ang pananaw niya sa isyu ng martial law.

toni 1

Ayon kay Abunda ay lagi na lamang daw ibinabalita na ang mga Marcos ang may kagagawan ng mga nangyari sa martial law habang ang katotohanan ay may iba pang mga sangkot dito.

“Hindi lang naman sila ang involve sa martial law, nasan ang iba?” ani Abunda “President Ramos became President, senator Enrile became a senate president ang daming narratives na pinangagalingan nito,”

“Others became successful, others got lost but when we talk about martial law it is simply about the Marcoses which is a little myopic in that regard.” dagdag niya pa.

Matatandaan na sila Ramos at Enrile ay parte ng gabinete noon ni Marcos na pinagbibintangan din noon na parte ng ilang mga masasamang nangyari noong panahon ng martial law.

Ipinagtanggol din niya si Gonzaga at sinabi na hindi naman dapat batikusin ang television host sa panayam niya kay BBM dahil sa hindi naman daw investigative ang tema ng kanyang programa.

“Do we blame everybody who did an interview with Bongbong Marcos because it didn’t please whatever we felt to be discussed.” sabi ni Abunda.

“Kung naniniwala kang dapat maparusahan sila, palagay ko malalim… Go to our justice system, go to our history. Ano ba talaga ang nangyari?” dagdag niya pa.

Sa ngayon ay mayroon ng daan daang libong views ang nasabing video.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular