Home Politics Patama kay Leni? Yorme Isko Moreno, sinabi na ‘baliktad ang utak’ ng nakaisip ng pamimigay ng insentibo sa mga hindi bakunado

Patama kay Leni? Yorme Isko Moreno, sinabi na ‘baliktad ang utak’ ng nakaisip ng pamimigay ng insentibo sa mga hindi bakunado

0

Tinawag na ‘baliktad ang utak’ ni presidential aspirant at Manila City mayor Isko Moreno Domagoso ang mga panayawagan na bigyan ng insentibo o pera ang mga hindi bakunado upang sa sila ay makumbinsi na magpabakuna na.

Sa kanyang pahayag nitong Sabado ay sinabi ni Moreno na hindi naman maganda kung ang bibigyan pa ng insentibo ang mga hindi bakunado habang ang mga kusang nagpabakuna ay walang matatanggap.

“Kasi tingnan n’yo eto. Maniniwala ba kayo na alas-4 ng umaga may nakapila na dito? So, nag-tiyaga. Alas-4 ng umaga nag-tyaga, nagpabakuna,” Domagoso said. “Di ba unfair sa kanya ‘yun? ’Yung taong pumila tapos bibigyan natin ng bonus ‘yung tolongges? Bibigyan pa natin ng bonus ‘yung matigas ang ulo. Maling gobyerno ata ‘yun?” ani Moreno.

“Parang baliktad yata ang utak nung nagisip nun.” dagdag pa ng alkalde.

Ayon kay Yorme ay may iba namang paraan para mahikayat ang mga ayaw magpabakuna.

“Alam mo maganda yung lip service. Marami kasing nagli-lip service. Basta ako ang focus ko, kumbinsihin kita na bakunahan, kumbinsihin kita maproteksyunan ang sarili mo, kumbinsihin kita maproteksyunan ang pamilya mo, kunbinsihin kita maging isang responsableng indibidwal sa kapwa mo at sa pamayanan mo at sa bansa mo. So, that is my job. Eto ‘yung resulta,” sabi ni Moreno.

Hinimok din nito ang mga tao na wag magpaniwala sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa bakuna.

Matatandaan na isa sa nagmungkahi ng nasabing pagbibigay insentibo sa mga hindi bakunado ay ang katunggali ni Moreno na si Vice President Leni Robredo.

“Hindi krimen ‘yung magpabakuna pero babalik ako du’n sa dati kong paniniwala na kailangan nagbibigay tayo ng incentive para magpabakuna ‘yung mga tao,” sabi ni Robredo sa kanyang programa sa radyo.

Facebook Comments