Home Politics Basted! Mayor Inday Sara Duterte tinanggihan ang alok na alyansa kay Mayor Isko Moreno

Basted! Mayor Inday Sara Duterte tinanggihan ang alok na alyansa kay Mayor Isko Moreno

0

Tinanggihan ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang alok ng ilang tagasuporta niya na makipag-alyansa kay Manila City Mayor Isko Moreno na tumatakbo ngayon sa pagkapangulo.

Sa kanyang video message, sinabi ni Duterte na may kasalukuyan na siyang ka-tandem kaya naman hindi niya magagawa na sumakabilang bakod ngayon.

Ayon sa alkalde ay mayroong grupo na binuo ang mga tagasuporta ni Inday Sara a kung tawagin ay ‘IS-SA’ o ‘Isko-Sara tandem’.

“Mahalaga po sa akin ang paninindigan at isang salita. Alam ko po na pareho ang ating mga adhikain para sa ating bansa. At para magtagumpay tayo, dapat ay iisa lang ang daang ating tinatahak. Kung kaya patuloy akong umaasa ng suporta ninyo sa UniTeam.” ani Duterte.

“While I continue to respect your decision to support another presidential candidate, it is with a heavy heart that I cannot be one with you on this. Mahalaga ang pagpili ng isang team na maglilingkod sa ating bayan. Handa ang UniTeam BBM-Sara para harapin ang mga hamon sa pamamahala,” dagdag niya pa.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Moreno tungkol sa pagtanggi ni Duterte.

Samantala ay mayroon ding mga grupo na gusto si Duterte at presidential aspirant at Sen. Manny Pacquiao na mag-alyansa.

Ngunit hindi naman ito pinansin ng alkalde.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay ilang beses pinatamaan ni Moreno si Duterte na napapabalitang tatakbo noon sa pagkapangulo.

 “Ang demokrasya ang taumbayan  ang pumipili, hindi ipinipilit yung mga kalahi nya pagkatapos na niya. Hindi ako naniniwala dyan and I am not gonna vote for that as a voter and I disagree as a citizen of this country.” sabi ni Moreno noon.

“Ayokong pangunahan ang taumbayan sa pagpili nila ng kanilang lider. But I hope they will not be called st*pid later on,” sabi pa nito.

Facebook Comments