Home Celebrities Asawa ni PBA star Terrence Romeo, huli dahil sa kasong carnapping

Asawa ni PBA star Terrence Romeo, huli dahil sa kasong carnapping

0

Arestado ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang asawa ng San Miguel Beermen guard Terrence Romeo na si Beatrice Pia Espina nitong nakaraang Linggo.

Ito’y matapos maharap sa mga seryosong kaso si Espina katulad ng estafa, paggamit ng pekeng pangalan at carnapping.

Nahuli si Espina kasama ang kanyang kasabwat na si Efcel Reyes sa entrapment operation na ikinasa ng PNP-HPG matapos silang manghingi ng P80,000 sa biktima kapalit ng pagbabalik nila ng kinarnap nilang sasakyan.

Hindi ito ang unang beses na nakasuhan si Espina dahil sa kaparehong kaso.

Ayon naman sa ulat ni Cristy Fermin noong nakaraang linggo naghiwalay si Romeo at Espina dahil sa usapin sa salapi.

Ngunit nagpapakilala parin daw itong asawa ng basketbolista lalo na sa mga biktima niya.

“Ano ba ang nangyari sayo? Bakit ka nabulag nang bonggang bongga?” sabi ni Romel Chika na co-host ni Nanay Cristy sa Cristy Ferminute.

Samantala ay sinabi rin ni Ogie na isa siya sa mga nabiktima ni Espina.

“Ang luma na ng mga dahilan ng misis ni Basketball Player. HIntayin ko raw siyang makabangon para mabayaran ang utang sa akin. Dalawang taon na niyang sinasabi yan. At dito lang siya consistent ah! Sana, sa pagbabayad din ng utang, Ms. P.” ani Ogie.

“Mabait naman ako, sabi ko sa kanya. Kaso parang inaabuso naman niya ang kabaitan ko.” dagdag niya pa.

Itinago niya na lamang ang pangalan nito bilang ‘dyowa ni TR’ na ayon sa mga netizens ay Terrence Romeo.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Romeo tungkol sa kinakasangkutan ng kanyang asawa.

Facebook Comments