Home Celebrities Ogie Diaz, ikinalungkot ang kinakaharap na 1-B cyber libel case ni Enchong Dee: “Lesson learned to all of us”

Ogie Diaz, ikinalungkot ang kinakaharap na 1-B cyber libel case ni Enchong Dee: “Lesson learned to all of us”

0

Sa unang pagkakataon ay nagsalita na si Ogie Diaz tungkol sa kinasangkutan nilang cyberlibel case na isinampa laban sa kanila ni Drivers United for Mass Progress and Equal Rights (DUMPER) Representative Claudine Diana Bautista-Lim.

Sa panayam sa kanya ng mga showbiz reporter matapos siyang magdaos ng kanyang kaarawan sa isang restaurant ay sinabi niya na pinili niya talagang hindi magsalita tungkol sa kasong kinasangkutan nila.

Hindi naman siya makapagbunyi na hindi na siya makakasuhan pa ng mambabatas dahil sa may isa pa silang kasamahan na humaharap sa kaso at ‘yun ay ang aktor na si Enchong Dee.

“Siyempre sad ako for Enchong pero sana maayos, sana ganoon din ang kalabasan ng tulad sa amin. Pero hindi pa tapos kasi depende na lang kung may aapela,” ani Ogie.

May natutunan naman daw ang talent manager at showbiz host na matapos ang nangyari.

“Oo naman lesson learned to all of us na kahit alam mo sa sarili mo na hindi naman libelous o ano, eh, meron naman palang masasaktan sa naging opinyon ko,” sabi pa niya.

Matatandaan na binatikos nila Ogie, Agot Isidro, Pokwang at Enchong ang kasal ni Bautista dahil sa pagiging magarbo nito.

Tinugunan naman ito ni Bautista ng legal na aksyon, katulad na lamang nag paghingi nito ng 1-B kay Enchong dahil sa naidulot nitong pinsala sa kanya matapos siyang akusahan ng aktor ng pagiging kurakot.

READ MORE: Tuloy ang kaso! Enchong Dee, pormal ng sasampahan ng reklamo ng prosector dahil sa tweet nito laban sa isang kongresista

Nitong nakaraang linggo ay nagkaroon na ng progreso ang kaso at sa ngayon ay si Enchong na lamang ang nahaharap sa nasabing kaso habang sila Ogie, Agot at Pokwang ay hindi na kakasuhan dahil sa saklaw naman daw ng ‘freedom of speech’ ang sinabi nila.

READ MORE: Agot Isidro, Pokwang at Ogie Diaz ligtas sa cyber libel case ng isinampa ng isang mambabatas

 

Facebook Comments