Home Celebrities Tuloy ang kaso! Enchong Dee, pormal ng sasampahan ng reklamo ng prosector dahil sa tweet nito laban sa isang kongresista

Tuloy ang kaso! Enchong Dee, pormal ng sasampahan ng reklamo ng prosector dahil sa tweet nito laban sa isang kongresista

0

Pormal ng sasampahan ng kaso ng prosecutor ng Davao Occidental ang aktor na si Enchong Dee dahil sa kanyang tweet noon laban kay Drivers United for Mass Progress and Equal Rights (DUMPER) Representative Claudine Diana Bautista-Lim.

Ayon sa mga prosecutor ay hindi saklaw ng ‘freedom of expression’ ang sinabi ni Enchong laban kay Rep. Bautista.

“Calling someone a thief, without proof and with heavy malice, is where to draw the line as this is already libelous.” sabi ng prosecutor.

Tila ay inakusahan daw kasi ni Enchong si Bautista ng pagnanakaw ng pondo ng bayan dahil sa tweet nito tungkol sa kasal ng mambabatas.

Dahil daw sa tweet ni Enchong ay inulan ng pambabatikos si Bautista kahit na hindi naman napatunayan na nagnakaw ng ng pondo ang mambabatas.

Higit sa 1-B piso ang hinihingi ng kampo ni Bautista kay Enchong dahil sa mapanirang tweet nito.

Matatandaan na noong Agosto ay nakatanggap ng batikos si Bautista kay Enchong kung saan ay sinabi ng aktor na galing sa taumbayan ang ginastos sa kasal ng kongresista.

Humingi man ng tawad si Enchong sa kanyang sinabi ay itinuloy parin ni Bautista ang pagsasampa ng reklamo.

“The money for commuters and drivers went to her wedding. Let us not prolong this conversation and don’t say otherwise.” tweet ni Enchong.

READ MORE: Enchong Dee idinemanda, pinagbabayad ng isang bilyong piso ng mambabatas na binatikos niya noon dahil sa kasal nito.

Sa ngayon ay wala pang tugon ang kampo ng aktor sa pormal na paghahain ng reklamo laban sa kanya.

Facebook Comments