Home Celebrities Abogado, hanga kay Miss Universe top 5 Beatrice Luigi Gomez: “Hindi inaaway ang presidente natin”

Abogado, hanga kay Miss Universe top 5 Beatrice Luigi Gomez: “Hindi inaaway ang presidente natin”

0

Pinuri ni Caloocan Deputy Prosecutor Darwin Cañete ang naabot ni Miss Philippines Beatrice Luigi Gomez sa coronation night ng Miss Universe 2021.

Nagdiwang ang mga netizens matapos umabot sa top 5 si Beatrice na maituturing na isa ng tagumpay lalo na’t 80 bansa ang naglalaban laban para sa korona.

Ayon kay Darwin Cañete ay hindi namulitika si Beatrice katulad ng mga nakaraang kandidata.

“Was in a hearing. Only found out our candidate for this year’s Miss U got in the Top 5. Congratulations to our representative! Our nation is proud of you. Walang pinupulitika at hindi inaaway ang president natin.” ani Cañete.

“Unlike those two previous losing contestants whats-their-names-ah-who-cares-we-forgot-them-already.” dagdag niya pa.

Hindi naman malaman kung sino ang pinaparingan na mga kandidata ni Cañete.

Matatandaan na ang huling mga kandidata ng Pilipinas para sa Miss Universe ay si Miss Philippines 2019 Gazini Ganados at Miss Philippines 2020 Rabiya Mateo.

Noong 2019 ay nagsalita si Ganados sa launching ng grupo ng oposisyon na 1Sambayan at sinabi na sawa na daw ang mga Pilipino sa kasalukuyang lagay ng bansa.

“Aren’t you tired of the system that devastates more than the uplifting that it promised us?” ani Ganados.

Pasok sa top 20 si Ganados sa Miss Universe.

Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados sa kanyang pagsasalita sa pagtitipon ng 1Sambayan

Noong nakaraang taon naman ay binatikos si Mateo ng ilang netizens dahil sa kanyang mga komento tungkol kay Pangulong Duterte.

“People would always say [na] mas mataas pa yungstandard ng mga Pilipino pagdating sa Miss Universe compared sa pag-elect ng leaders ng bansa natin. And that shouldn’t be the case, right? We need to have stricter qualifications before we vote somebody.” ani Rabiya.

Miss Universe 2020 Rabiya Mateo

Hindi nakapasok sa top 20 si Rabiya na maikokonsiderang pinakamababang naabot ng Pilipinas sa Miss Universe sa loob ng isang dekada.

 

Facebook Comments