Home Celebrities Direk Darryl Yap ipinagtanggol ang asawa ni Toni Gonzaga na sumuporta kay BBM: “Gusto nila sila lang ang tama!”

Direk Darryl Yap ipinagtanggol ang asawa ni Toni Gonzaga na sumuporta kay BBM: “Gusto nila sila lang ang tama!”

0

Ipinagtanggol ng sikat na direktor na si Darryl Yap ang kanyang kapwa direktor na si Paul Soriano.

Matatandaan na nakita si Soriano na sumama sa caravan ni dating senador Bongbong Marcos at Davao City Mayor Inday Sara Duterte na isinagawa nitong Diyembre 10 sa Laguna.

Hindi naman napigilan ng ilang netizens na batikusin ang direktor na asawa ni Toni Gonzaga dahil sa pinili nitong suportahan sa halalan 2022.

Nagbigay naman ng mensahe si Direk Yap na nasa likod ng sikat na page na ‘Vincentiments’ sa mga bumabatikos kay Soriano.

“Kinacancel si Direk Paul Soriano dahil ang pinili nyang suportahan ay si Bongbong Marcos. Nung tinignan ko kung sinu-sino ang nambabash-
eh yung mga taga-industriyang ang gusto nila— sila lang ang tama, sila lang ang may ipinaglalaban.” sambit ng direktor.

Nagpasaring din ito sa mga diumano’y kasamahan niya sa industriya.

Hiniling din nito na sana’y hindi siya matulad sa mga kasamahan niya na nambabatikos kay Soriano na wala na diumanong nagagawang proyekto.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Soriano tungkol sa pambabatikos na kanyang natanggap.

Inaanak ni BBM si Soriano at Gonzaga kaya naman hindi maipagkakaila na malapit sila.

Nabatikos din ang asawa ni Soriano dahil sa panayam nito kay BBM na nag viral sa social media.

 

 

Facebook Comments