Home Social Media Pangulong Duterte pinirmahan na ang EO na magtatatag ng Overseas Filipino Workers (OFW) hospital

Pangulong Duterte pinirmahan na ang EO na magtatatag ng Overseas Filipino Workers (OFW) hospital

0

Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order No. 154 na nag uutos sa pagpapatayo ng Overseas Filipino Worker (OFW) hospital sa bansa.

Ipinagutos ni Pangulong Duterte ang pagtatayo ng nasabing ospital bilang pagkilala sa mga OFW na nagsasakripisyo sa ibang bansa upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya.

Itatayo ang nasabing ospital sa San Fernando City, Pampanga.

Model ng OFW hospital na itinatayo sa Pampanga

Eto ang mga sumusunod na layunin ng nasabing hospital

  • To establish, operate and maintain medical facilities, including a medical and
    diagnostic center, for the welfare of OFWs and their qualified dependents, and as may be warranted, for the welfare of the general public;
  • To promote, encourage, engage in and publish scientific research on the
    prevention, care and treatment of occupational diseases common to OFWs,
    including the underwriting of researches on biological, demographic, social,
    economic, eugenic, physiological aspects of occupational disorders of OFWs, and conduct relevant congresses, conventions, seminars and conferences;
  • To develop and encourage public interest in, as well as the dissemination and
    exchange of information on (1) the prevention, treatment and control of diseases common to OFWs, and (li) OFW occupational health and physical fitness, especially the promotion of health and rehabilitation, and other related fields;
  • To encourage and undertake the training of physicians, nurses. medical
    technicians, health officers and social workers on the practical and scientific
    conduct and implementation of OFW occupational health services; and
    To assist and support universities, research institutions and other hospitals or
    medical facilities in their studies on health-related concerns of OFWs.

Matatandaan na ipinangako ni Pangulong Duterte ang pagtatayo ng ospital para sa mga OFW.

“”Kaya sabi ko, ang hinihingi rin nila is, kailangan nila ang ospital.….. So I will – we will look for the money and I will ask their permission to establish even just a small, a general hospital to cater to all the health needs of our countrymen.” ani Duterte noong 2017.

“”Kaunting bagay lang ito para sa akin. Nung pinapadala ng mga Pilipino dito sa bayan natin, malaki masyado. It goes beyond, it contributes to the gross national product and it is a crucial part of the economy. Importante na babayaran naman natin sila ng kaunti and so if it is, find it, na papayag ‘yung mga gobyerno nila, magtatayo tayo ng ospital doon. Marami palang gusto a rin umuwi.” dagdag niya pa

Sa ngayon ay mayroon ng mahigit 2-M OFW sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Daan daang bilyong piso taon taon ang naiaambag ng mga OFW sa ekonomy ng bansa.

Facebook Comments