Home Social Media Posibleng dahilan ng pagpanaw ng dating pulis na si Jonel Nuezca, maaring may kinalaman sa puso nito

Posibleng dahilan ng pagpanaw ng dating pulis na si Jonel Nuezca, maaring may kinalaman sa puso nito

0

Pinag usapan sa buong Pilipinas ang pagkasawi ng dating pulis na si Jonel Nuezca sa loob ng kanyang selda sa Bilibid nitong Disyembre 1.

Ayon sa mga naunang ulat ay nakita daw ng mga kasamahan ni Nuezca ang dating pulis na nahilo at natumba noong kinagabihan ng Nobyembre 30.

Agad itong isinugod sa ospital ngunit hindi na ito nakaabot pa ng buhay.

Ibinunyag naman ni Bureau of Corrections (BuCor) spokesman Gabriel Chaclag sa panayam ng dzBB ang initial findings ng mga medical personnel sa labi ni Nuezca.

Posible daw na inatake sa puso si Nuezca dahil sa nakitang “cardiac infraction” sa katawan ng dating pulis.

“Today is the schedule of autopsy. Initial findings ng ating medical personnel ay may cardiac infraction ito, ibig sabihin ay baka heart attack.” ani Chaclag.

Umaasa sila na mabibigyang linaw na ang nangyari kay Nuezca ngayong linggo.

Gusto nilang malaman kung mayroong ‘foul play’ na nangyari sa dating pulis.

“Hopefully this week kasi gusto naming magkaroon ng resolusyon na itong kasong ito kasi may mga nagsasabing baka hindi raw namatay, yung iba naman sabi pinatay,” sabi ni Chaclag.

“So to rule out foul play and to rule out rumors ay gusto namin mabilis na matapos yung final investigation report nito at mailabas natin sa public kasi alam namin public interest ito.” dagdag niya pa.

Pagkatapos ng autopsy ay maari ng makuha ng pamilya Nuezca ang labi ng kanilang padre de pamilya.

Matatandaan na ibinahagi na sa social media ang labi ni Nuezca matapos pagdudahan ng mga netizens kung totoo nga bang wala na ang dating pulis.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang pamilya Nuezca at Gregorio sa nangyari.

Nahaharap sana sa panghabambuhay na pagkakakulong si Nuezca.

Facebook Comments