Home Celebrities Mayor Inday Sara may reaksyon sa pag atras ni Sen. Bong Go: Tuloy na po tayo sa ating pagkakaisa kasama ang BBM-SARA

Mayor Inday Sara may reaksyon sa pag atras ni Sen. Bong Go: Tuloy na po tayo sa ating pagkakaisa kasama ang BBM-SARA

0

Naglabas ng pahayag si vice presidential aspirant at Davao City Mayor Inday Sara Duterte matapos i-anunsyo ni Sen. Christopher “Bong” Go ang kanyang pag atras sa kandidatura niya sa pagkapangulo.

Sa kanyang pahayag na inilabas nitong Disyembre 2, tinawag ni Inday Sara ang atensyon ng mga sumusuporta sa kasalukuyang administrasyon na ‘magkaisa’ na matapos ang pag atras ng pambato sana ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte.

“Matapos kong ilunsad ang aking kandidatura pagka Bise Presidente ng Pilipinas, nanawagan po ako sa lahat ng sumusuporta ng administrasyong Duterte na magkaisa sa ating layunan na ipagpatuloy at palawakin pa ang mga magagandang nasimulan ng aking ama.” ani Inday Sara.

Dahil sa pag atras ni Go ay tila wala na ring magiging hadlang sa tinaguriang super tandem ni Inday Sara at presidential aspirant Bongbong Marcos.

“Now that Sen. Bong Go has declared his withdrawal from the Presidential race and to quote him, “for the sake of unity among our supporters and leaders”, tuloy-tuloy na po tayo sa ating pagkakaisa kasama ang BBM-SARA Uniteam upang tayo ay magtagumpay sa ating hangarin para sa bansa.” saad pa ng alkalde.

Sa kanyang pagbisita naman sa Batangas ay sinabi ni alkalde na dapat irespeto na lamang ng publiko ang naging desisyon ni Go.

Sa ngayon ay hindi pa pormal na naghahain ng kanyang withdrawal ang senador.

Facebook Comments