Home Social Media Dating pulis na si Jonel Nuezca, natagpuang walang buhay sa loob ng kanyang selda

Dating pulis na si Jonel Nuezca, natagpuang walang buhay sa loob ng kanyang selda

0

Kinumpirma ng Bureau of Corrections (BuCor) na pumanaw na ang dating pulis na si Jonel Nuezca.

Ayon sa tagapagsalita ng BuCor na si Gabriel Chaclag ay nakita na lamang daw si Nuezca na wala ng buhay ng mga kasamahan niya sa selda.

Hindi pa ibinabahagi ng BuCor kung ano ang naging dahilan ng pagpanaw ng dating pulis na kinamuhian ng buong Pilipinas dahil sa ginawa niyang pagtapos sa buhay ng dalawa niyang kapitbahay.

May ilang ulat naman na nagsasabi na bigla na lamang daw natumba si Nuezca noong kinagabihan ng Nobyembre 30.

Isinugod pa ito sa NBP hospital ngunit hindi na ito nakaabot pa ng buhay doon.

Sa ngayon ay hinihintay na ng mga otoridad ang magiging resulta ng autopsy sa katawan ni Nuezca.

“Investigation ongoing to determine if there is foul play in the incident,” ani Chaclag.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang pamilya Gregorio sa nangyari kay Nuezca.

Matatandaan na noong nakaraang Disyembre naganap ang malagim na insidente na nakuhanan pa ng video.

Nag umpisa lamang ang away sa pagitan ni Nuezca at ng mga biktima dahil sa paputok.

Makikita rin sa video na nakisali ang anak ni Nuezca sa away at sinabihan pa ang mag biktima ng “my father is a policeman!”

Sumuko naman si Nuezca at nakiusap na sana’y tulungan siya para sa kanyang anak.

Nitong Agosto lamang ay hinatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo si Nuezca dahil sa pagkasawi ng mag inang Sonia at Frank Gregorio.

Pinagbabayad din ng isang milyong piso ang dating pulis sa pamilya ng kanyang biktima.

 

Facebook Comments