Home Celebrities Cristy Fermin, binanatan si Barbie Imperial: “Wala kang karapatan na tawaging kabit ang sinuman”

Cristy Fermin, binanatan si Barbie Imperial: “Wala kang karapatan na tawaging kabit ang sinuman”

0

Binatikos ng radio host at kolumnista na si Cristy Fermin si Barbie Imperial matapos sabihan ng aktres si AJ Raval na magsalita tungkol sa isyu nila ni Diego Loyzaga.

Matatandaan na nagkaroon ng isyu si AJ at si Diego na kasalukuyang karelasyon ngayon ni Barbie.

“Ahmmm, yung about doon kay AJ Raval, if wala kang kinalaman, or alam mo namang hindi ka kabit ni Diego, magsalita ka!” sabi ni Barbie sa panayam sa kanya ni Boy Abunda.

Ipinagtanggol naman ni ‘Nay Cristy si AJ at sinabi na walang karapatan si Barbie na tawagin o akusahan ang sinuman na kabit dahil hindi pa naman siya kasal kay Diego.

“Ineng, magkarelasyon pa lang kayo ni Diego Loyzaga, hindi pa kayo mag-asawa. Kaya wala ka pong karapatan na tawaging ‘mistress’ ang sinumang babae na napapalapit kay Diego,” ani Cristy.

“Wala ka pang kasiguruhan kung magiging kayo. Iwasan mo ‘yan. Pagsasabi ng ganyan. Wala ka pang pasaporte para i-brand ang isang babae na mistress. Wala, wala. Kasi wala ka pang hawak na dokumentong magpapatunay na si Diego at ikaw ay kasal na” dagdag niya pa.

Diniretsa ng aktres si AJ dahil alam niya na kaibigan ito ni Xian Gaza na unang naglabas ng isyu tungkol kay Diego.

“And I heard, I have a proof na… AJ and Xian Gaza are friends and maybe they talk about, feeds him na mga info na mga chismis… so ako, parang sa akin ‘Ohhh… gusto mo pala ‘to, parang ganoon.” sabi ni Barbie.

Sa ngayon ay wala pang direktang tugon si AJ kay Barbie.

 

Facebook Comments