Home Celebrities Bangkay reveal! Labi ng dating pulis na si Jonel Nuezca, ibinahagi na ng Bureau of Corrections

Bangkay reveal! Labi ng dating pulis na si Jonel Nuezca, ibinahagi na ng Bureau of Corrections

0

Ibinahagi na ng Bureau of Corrections (BuCor) ang litrato ng mga labi ni Jonel Nuezca sa gitna ng mga pagdududa ng mga netizens sa nangyari sa dating pulis.

Matapos kumalat ang balita tungkol sa pagpanaw ni Nuezca ay may ilang netizens na hindi maiwasan na pagdudahan ang balita.

“Parang di real ha . Bangkay reveal muna hehe,” ani netizen @nel4peeps.

“IPAKITA NIYO YUNG BANGKAY NI JONEL NUEZCA PARA MANIWALA KAMI NA PATAY NA TALAGA AT HINDI NAMIN ISIPIN NA ISA NA NAMAN ITONG PALABAS PARA MAKATAKAS ANG ISANG HAYOP AT WALANG PUSO NA TAO SA KANYANG KASALANAN,” sabi naman ni @isurdakeanne13

Grabe yung trust issue ko, bakit feeling ko pati yung pagkamatay ni Jonel Nuezca, pineke at kasabwat ang PNP?” tweet naman ni @simonsterx_

Upang matapos na ang pagdududa ng mga tao ay ipinakita na ng NBP ang labi ni Nuezca na nakita daw ng kanyang mga kasamahan sa selda na nahilo at natumba.

Isinugod pa ito sa NBP hospital ngunit hindi na ito nakaabot.

Matatandaan na nitong taon lang din nahatulan ng habambuhay na pagkakakulong si Nuezca dahil sa ginawa niya sa kanyang kapit bahay na si Sonya at Frank Gregorio.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag ang pamilya Nuezca at Gregorio sa nangyari sa dating pulis.

Facebook Comments