Home Celebrities Rita Avila sa nangyayari ngayon: “Sanay na ang mga tao sa sinungaling at manloloko”

Rita Avila sa nangyayari ngayon: “Sanay na ang mga tao sa sinungaling at manloloko”

0

Todo kampanya ang aktres na si Rita Avila gamit ang kanyang mga social media accounts para sa kandidatura sa pagkapangulo ni Vice President Leni Robredo.

Sa ilang post niya sa Instagram ay naniniwala si Rita na tila nawalan na lamang ng pag asa ang tao kaya’t kahit mga ‘sinungaling’ at ‘magnanakaw’ ay pinipili nilang mamuno.

Ngunit hindi daw alam ng mga tao na mayroong kandidato ngayon na ‘tapat at totoo’.

“Napansin ko, sanay na ang mga tao sa sinungaling at manloloko kaya hindi na sila makapaniwalang meron pang tunay, tapat at totoo. Dahil hindi makapaniwala ay hahanapan nila ng kapintasan ang taong ito at pagdududahan.”¬†ani Rita.

“Oo nga naman. Sa dami na ng nanloko ay mahirap na magtiwala. Sa kaguluhan ng isip at damdamin, magnilay, magdasal, hanapin ulit ang konsyensya. Sa katahimikan‚Ķ maririnig mo ang kasagutan.” dagdag niya pa.

Isinama ng aktres sa kanyang post ang litrato ng tarpaulin ni Robredo na may mensahe na “The moral choice. The right choice. The only choice. Leni”.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rita Avila (@msritaavila)

Sa isa pang post ay ibinahagi niya naman ang pinagkumparang campaign colors ng mga kakandidato sa 2022.

Una niyang pinaghalo ang kulay ni Senador Manny Pacquiao at Robredo at tinawag niya itong ‘power duo’.

Pinaghalo niya rin ang kulay pula at berde na pawang mga campaign color ni dating Senador Bongbong Marcos at Davao City Mayor Inday Sara Duterte.

“When GREEN and RED unite… all you will ever get is GREED” sabi sa teksto sa larawan.

Isa si Rita sa mga masugid na tagasuporta ng bise presidente.

Facebook Comments