Home Celebrities Agot Isidro, Pokwang at atbp dedma sa isinampang 1-B cyber libel case ni Rep. Bautista laban kay Enchong Dee

Agot Isidro, Pokwang at atbp dedma sa isinampang 1-B cyber libel case ni Rep. Bautista laban kay Enchong Dee

0

Hanggang ngayon ay tahimik parin ang aktor na si Enchong Dee matapos siyang sampahan ng kasong cyber libel ni Drivers United for Mass Progress and Equal Rights (DUMPER) Rep. Claudine Diana “Dendee” Bautista-Lim.

Isang bilyong piso ang hinihingi ni Bautista-Lim sa aktor dahil sa tweet nito na sinasabing galing daw sa pera ng publiko ang perang ginamit ng mambabatas para sa kanyang kasal.

Maliban kay Enchong ay binatikos din noon nila Agot Isidro, Pokwang at Ogie Diaz ang nasabing mambabatas.

Ngunit tila ‘no comment’ ang mga ito sa ginawang pagsasampa ng kaso ni Bautista laban kay Enchong.

Hati naman ang opinyon ng ilang netizen sa kinakasangkutan ngayon ni Enchong.

Ilan ay sinuportahan si Enchong, habang ang iba ay naniniwala na mali naman talaga ang ginawang pag aakusa ng aktor.

it’s reasonable for claudine bautista to bring enchong dee to court for cyber libel— but compensation worth one BILLION pesos?” ani @chescagonz.

“The libel case against Enchong Dee has merit, but ₱1B damages is an exaggeration. The fact that he immediately retracted his statement and apologized is already a libel defense as it’s mitigating circumstance to lessen the damages.” sabi naman ni @sailopez24.

“Opinions are not libelous, FYI..if he said it was extravagant and unconscionable of her, he cannot be sued for libel…if he said na magnanakaw siya, yun pwede..” komento naman ni @lara1574.

Ilan din naman ang naniniwala na walang maling ginawa sila Ogie, Pokwang at Agot dahil opinyon lang naman daw nila ang kanilang ibinabahagi at hindi sila nag akusa katulad ng ginawa ni Enchong.

Sa ngayon ay inaabangan ng mga netizens kung ano ang magiging susunod na aksyon ni Enchong tungkol sa kasong isinampa sa kanya ni Rep. Bautista.

 

 

Facebook Comments