Home Celebrities Pangangako na ibabalik ang prangkisa ng ABS-CBN isa daw ‘vote buying’ ayon sa isang mambabatas

Pangangako na ibabalik ang prangkisa ng ABS-CBN isa daw ‘vote buying’ ayon sa isang mambabatas

0

Isang mambabatas ang nagbigay ng babala sa mga kandidato sa 2022 na maikokonsidera na paraan ng ‘vote buying’ ang pangangako na ibabalik nila ang prangkisa ng ABS-CBN.

Sa panayam sa kanya ng SMNI News, sinabi ni SAGIP party-list representative at senatorial aspirant Rodante Marcoleta na maling gamitin ang prangkisa ng ABS-CBN para makakuha ng boto sa tao.

Hinamon din nito ang Commission on Elections (COMELEC) na patawan ng parusa ang mga kandidato na lalabag sa panuntunan ng eleksyon.

“Kung talagang matibay ang kanilang paninindigan, ngayon pa lang nanawagan na ako sa COMELEC, sapagkat kapag sila’y nangako na ibabalik nila ang ABS CBN, ngayon pa lang nalabag na nila ang Article 22 Sec. 261 ng Omnibus Election Code,” ani Marcoleta.

Sinabi din niya na hindi dapat maging batayan ang prangkisa ng ABS-CBN para tumakbo ang isang kandidato.

Ayon sa Article 22 Sec. 261 ng Omnibus Election Code:

the following shall be guilty of an election offense :

(a) Vote-buying and vote-selling. – (1) Any person who gives, offers or promises money or anything of value, gives or promises any office or employment, franchise or grant, public or private, or makes or offers to make an expenditure, directly or indirectly, or cause an expenditure to be made to any person, association, corporation, entity, or community in order to induce anyone or the public in general to vote for or against any candidate xxx”.

Matatandaan na ilang kandidato na ang nangako na ibabalik nila ang prangkisa ng ABS-CBN kung sakali man na mahalal sila sa pwesto.

Isa na dito si dating Senador Antonio Trillanes IV na sinabing maibabalik ang prangkisa ng ABS-CBN kung silang mga miyembro ng oposisyon ang manalo sa 2022.

“Mark my words, ABSCBN’s franchise would be granted once the opposition wins in 2022.” ani Trillanes.

Facebook Comments