Home Celebrities Hilo at gutom ang inabot! Ara Mina ‘naiyak’ matapos paghintayin ng dalawang oras sa restaurant

Hilo at gutom ang inabot! Ara Mina ‘naiyak’ matapos paghintayin ng dalawang oras sa restaurant

0

Naiyak sa gutom at hilo ang aktres na si Ara Mina matapos siyang paghintayin ng ilang oras sa isang restaurant para sa kanyang order na pagkain.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Ara ang kanyang masalimuot na karanasan sa isang bagong bukas na restaurant na diumano’y pinaghintay siya ng dalawang oras.

Ayon sa kanyang kwento ay matapos ang kanilang pictorial ay hindi na nagtanghalian ang aktres at pinili na lamang na mag take out sa nasabing restaurant.

Umabot daw ng mahigit dalawang oras ang paghihintay na ginawa ni Ara para sa kanyang pagkain.

Larawan mula kay @therealaramina/Instagram

Ilang beses daw nag follow up ang aktres ngunit inabot parin ng ilang oras ang kanilang paghihintay.

Ang dasal lang sana ng aktres ay sana’y masarap ang pagkain ng nasabing restaurant dahil pinaghintay siya nito ng ilang oras.

“Alam mo yung naiiyak na ko sa hilo sa gutom at uwing uwi ka na para makasama ko pamilya ko dahil natapos ako ng maaga. Tapos after 2 hours lalabas pagkain na inorder mo. Ngayon natatraffic pa ko. Sana worth it itong food nila sa tagal ng hinintay ko napakasimple lang naman ng orer ko,” kwento pa ng aktres.

Larawan mula kay @therealaramina/Instagram

Hindi pinangalanan ng Ara ang nasabing restaurant at tila wala ng balak ang aktres na ibahagi ito.

 

Facebook Comments