Home Celebrities Winnie Monsod nag walk-out sa unang araw sana ng pag-tutor niya noon kay Bongbong Marcos

Winnie Monsod nag walk-out sa unang araw sana ng pag-tutor niya noon kay Bongbong Marcos

0

Ibinunyag ng dating socioeconomic planning secretary at tanyag na propesor na si Winnie Monsod na nagjng tutor siya ni dating Senador Bongbong Marcos.

Sa kanyang artikulo sa Inquirer, ikinuwento ni Monsod ang pagtawag sa kanya ng Malacanang upang turuan si Marcos na noon ay bumagsak na daw sa kanyang cut-off exam sa Oxford.

Bumagsak daw sa Politics and Economics ang dating senador ngunit nakapasa ito sa Philosophy.

Binigyan daw ng pagkakataon si Marcos na makapasa sa nasabing exam kaya naman tinawagan si Monsod ng kanyang dean noon na si Jose “Pepe” Encarnacion upang turuan ang dating senador sa Economics.

“My Dean, the late Jose ‘Pepe’ Encarnacion, phoned me and asked if I would consider tutoring Bongbong Marcos in economics. He said about four hours maximum, just to explain certain points which Bongbong was confused about,” kwento ni Monsod.

Ngunit hindi naging maganda ang unang araw ng kanyang sana’y tutoring kay Marcos dahil nauna pa siya sa kanyang estudyante.

Matapos maghintay ng ilang minuto ay umalis na si Monsod dahil sa diumano’y hindi pagpapakita ng respeto sa kanya ni Marcos.

“I went to Malacañang at the appointed time and presented myself—Professor Monsod, Bongbong’s tutor. And was asked to take a seat. I waited for 10 minutes, and then asked the man who was there: Where is my student? He shamefacedly said that Bongbong had not yet arrived. I pointed out that in UP, students waited for the teacher, not the other way around. And marched down the stairs.” saad ng ekonomista.

Kinabukasan naman ay natuloy na ang kanyang pagtuturo kay Marcos na humingi ng tawad sa kanya.

“He was. Bongbong apologized nicely, and we had a two-hour conversation on microeconomics. We had another two hours in macroeconomics on some other day. And that was the last I saw of him for another 20 years.” ani Monsod.

Tila nagbunga naman ang pagtuturo ni Monsod kay Marcos dahil nakapasa ito sa exam sa economics, ngunit bumagsak parin ito sa politics.

Kaya naman Special Diploma lamang ang nakuha diumano ng dating senador sa prestihiyosong unibersidad.

Sa ngayon ay wala pang tugon ang kampo ni Marcos sa kwento ni Monsod.

Source: Inquirer

Facebook Comments