Monday, September 26, 2022
HomeCelebritiesMansyon ng mga Pacquiao sa Amerika, ibinebenta sa halagang 226-M pesos

Mansyon ng mga Pacquiao sa Amerika, ibinebenta sa halagang 226-M pesos

Ibinebenta na ni Sen. Manny Pacquiao ang kanyang mansyon sa Los Angeles, California sa halagang $4.5-M o 226-M pesos.

Ayon sa artikulo ng Realtor ay ang medditerranean-style na mansyon ni Pacquiao na nabili niya ng $2.17-M noong 2009 ang kanyang ibenebenta.

Sinubukan na daw ibenta ng pambansang kamao ang kanyang mansyon noong 2015 matapos itong matalo kay Floyd Mayweather Jr. ngunit tila hindi natuloy ang kanyang pagbebenta.

Larawan mula kay @jinkeepacquiao/Instagram

Ang nasabing mansyon ay mayroong sukat na 4,273 square feet at mayroong limang bedroom.

Mayroon din itong trophy room kung saan makikita ang mga award at certificate na nakuha ni Pacquiao sa kanyang career bilang isang tanyag na boksinghero.

Larawan mula sa Realtor

“Welcome to your new beautiful home! An absolutely gorgeous quintessential Mediterranean-style open layout two-level property is located in the area of Hancock Park. You will find this contemporary home that is a work of outstanding artistry. Upon entering, you will feel the seamless flow of the home which is perfect for entertaining and for family gatherings. The floor plan includes a bright and inviting living room, a large formal dining room.

“Connected to the living area is also a state-of-the-art gourmet kitchen, with stainless steel appliances, Bosch French door refrigerator, Miele double ovens, warmer, oven and microwave. The 4, 273 sq. ft. house features high ceilings and boasts of 4 en-suite large bedrooms upstairs with spacious closets and 1 bedroom downstairs for your guests or parents.

“A luxurious master en-suite bedroom includes a walk-in closet, a sitting area and a balcony. The backyard boasts of an entertainment area, sparkling pool and spa is perfect for alfresco dining. This home is centrally located to restaurants, shopping, Paramount Studios, The Grove and Beverly Hills. You will enjoy the best of Southern California living. Don’t miss this incredible opportunity. BE THE PROUD OWNER of this amazing home. A MUST SEE . 3D tour is available. Matterport 3D Tour.” ayon sa detalyeng inilagay sa listing.

 

Larawan mula kay @jinkeepacquiao/Instagram

Naitampok na sa iba’t ibang programa katulad ng MTV Cribs ang nasabing mansyon ng mga Pacquiao.

Sa ngayon ay hindi malaman kung may kinalaman ba sa kandidatura ng pambansang kamao ang desisyon nitong ibenta ang kanyang mansyon sa Amerika.

Matatandaan na hindi biro ang gastos para sa kampanya ng pinakamataas na posisyon sa gobyerno.

larawan mula kay @jinkeepacquiao/Instagram

Matatandaan na noong 2019 ay pinasok ng mga masasamang elemento ang mansyon ng pambansang kamao sa kalagitnaan ng laban niya kay Adrien Broner.

Wala naman daw nakuhang importante ang mga suspek.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular