Home Celebrities Bugoy Cariño pumalag matapos tawaging ‘mukhang bakla’ ang kanyang asawa na si EJ Laure

Bugoy Cariño pumalag matapos tawaging ‘mukhang bakla’ ang kanyang asawa na si EJ Laure

0

Hindi nakapagpigil ang dating child star na si Bugoy Cariño sa mga netizens na nilalait ang mukha ng kanyang asawa na si dating volleyball player EJ Laure.

Sa kanyang Tiktok ay ibinahagi ni Bugoy ang kanyang video kasama si EJ sa isang resort.

Umabot ng mahigit 200,000 reactions ang nasabing video ngunit hindi naman naiwasan ng ilang netizen na punahin ang itsura ni EJ.

@iambugoycarino Ginagawa mue @ennajielaure HAHAHA LABYU 🤣😘 #fyp #BugoyCariño #EjLaure ♬ High School – Editor

Ilan kasi sa mga netizen ay tinawag na ‘mukhang bakla’ ang asawa ni Bugoy.

“Mukha daw bakla, mukhang nanay, wala daw laman, parang pader daw. Ok na yung ganyan kesa naman sa ibang babae na puro ganda at laki lang laban,” ani Bugoy.

“Atleast si EJ Marunong sa mga gawaing bahay, madiskarte at higit sa lahat loyal. Baka ung mga jowa niyo walang alam buhay,” sabi niya pa. “Sa panahon ngayon hindi mo kailangan mag jowa ng maitsura o malaki cocomelon. Mas masarap mahalin yung madiskarte at hindi maarte,”.

Matatandaan na naging kontrobersiyal ang relasyon ni Bugoy at EJ dahil sa napabalitang 15-anyos pa lamang ang aktor noong maging magkakilala sila ng voleyball player.

Noong 2020 lamang inamin ni Bugoy ang kanyang relasyon kay EJ noong siya’y 18-anyos na.

Ibinahagi rin niya kasabay ng kanyang pag amin ang litrato ng kanilang anak na si Scarlet.

Facebook Comments