Home Celebrities Manny Pacquiao tatapusin daw ang korapsyon sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan: “Magpapatayo ako ng MP”

Manny Pacquiao tatapusin daw ang korapsyon sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan: “Magpapatayo ako ng MP”

0

Naniniwala si Senador Manny Pacquiao na kung palarin siya na maging susunod na pangulo ng bansa ay matatapos niya ang problema sa korapsyon sa loob lamang ng anim na buwan.

Sinabi ito ni Pacquiao sa pakikipagpulong sa kanya ni ParaƱaque Mayor Edwin Olivarez.

Ibinahagi ng pambansang kamao ang kanyang plano para maisagawa ang anim na buwang paglaban niya sa korapsyon na magpaparusa daw sa mga opisyal.

Ayon sa kanya ay gagawa daw siya ng ‘special court’ upang litisin ang mga kurakot na opisyal.

“Gagawin ko mag-create ako ng special court, may prosecutor, judges, para corruption, 6 months lang kaso tapos na,” ani Pacquiao.

Inaasahan din daw niya na hindi magkakasya sa piitan ang mga kurakot na opisyal kaya gagawa ito ng panibagong preso para sa kanila.

“Magpapatayo ako ng MP o Mega Prison kasi sa dami ng mga corrupt baka hindi sila magkasya sa ordinaryong kulungan,” saad ng pambansang kamao.

Ilang netizen naman ang pinaalalahan si Pacquiao na mayroon ng Sandiganbayan at Office of the Ombudsman na ang trabaho ay litisin ang mga nangungurakot na opisyal.

“Alam ba niya basic functions ng Sandiganbayan?” tanong ni @ToniSpeakEasy.

“Juskolawd. Meron na pong Sandiganbayan at Ombudsman. Maneee, kung gusto mo talaga tumulong, tulong lang. Wag ka na tumakbo.” sabi naman ni @VenNotBen.

Matatandaan na isa sa mga pangako ni Pacquiao ay tapusin ang korapsyon sa gobyerno.

Kahit ang dating kaalyado ni Pacquiao na si Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi pinalampas ng pambansang kamao at sinabi na may korapsyon parin na nangyayari sa kasalukuyang administrasyon.

 

Facebook Comments