Home Celebrities Ogie Diaz nagulat sa payo ni BB Gandanghari sa kanyang pamangkin: “Sino ka BB para magsabi ng ganyan?”

Ogie Diaz nagulat sa payo ni BB Gandanghari sa kanyang pamangkin: “Sino ka BB para magsabi ng ganyan?”

0

Hindi kumbinsido ang talent manager at showbiz personality na si Ogie Diaz sa payo ni BB Gandanghari, dating Rustom Padilla sa kanyang pamangkin na si Kylie Padilla.

Matatandaan na naharap sa malaking kontrobersiya si Kylie dahil sa pakikipaghiwalay niya sa kanyang partner na si Aljur Abrenica.

Nagbigay naman ng payo si BB at sinabi na dapat ay itago na lamang nila ang kanilang problema sa publiko.

Ang paghihiwalay is not a joke, masakit ‘yan. If there’s one thing, ang masasabi ko, try to keep your dirty linens in the washroom, if you know what I mean,” ani BB.

“Try to keep things in private as much as possible kasi may mga anak kayo unang una, so yun lang. I think what they need to think about now are the children,” dagdag niya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BB. Gandanghari (@gandangharibb)

Ngunit ayon kay Ogie, dapat ay gawin din ni BB sa sarili niya ang payo niya kay Kylie.

“Kung maririnig ito ng iba na si BB sinasabihan ang kanyang pamangkin at si Aljur na itago niyo na lang yung dirty linen niyo, wag niyo na ipagpag sa public. Eh sino ka BB para magsabi ng ganyan sa kanila kung ikaw mismo hindi ka marunong magtago? Pinapagpag mo rin o ibinubuko mo rin in public with payment.” ani Ogie.

Matatandaan na marami noong inilabas na isyu si BB tungkol sa kanyang buhay sa social media.

Hindi rin naiwasan na magpalitan ng maanghang na mensahe si Ogie at BB noon dahil sa pambabatikos ng dating action star kay Vice Ganda.

Sa ngayon ay wala pang tugon si BB sa panibagong banat sa kanya ni Ogie.

 

Facebook Comments