Home Celebrities Gerald Anderson handa daw maging “coach” ng katambal na si Gigi De Lana: “Masarap siya kausap”

Gerald Anderson handa daw maging “coach” ng katambal na si Gigi De Lana: “Masarap siya kausap”

0

Handa ang aktor na si Gerald Anderson para maging ‘coach’ ng singer at baguhan na aktres na si Gigi De Lana.

Magiging magkatambal ang dalawa sa serye na “Hello, Heart” na nag uumpisa na ngayon ang taping.

Hindi naman naiwasan ni Gigi na ma-pressure dahil sa kilalang aktor ang kanyang makakatambal.

“Nung narinig ko yung offer na magkakaroon ako ng serye, nagulat ako. Totoo ba to? Sa puso ko excited, kabado. First time ko e. Ang partner ko pa Gerald, ang tagal na nito. Mai-intimidate ako kahit di ko pa siya nakikita,” ani Gigi.

“Kinabahan ako. Paano kaya to? Seryoso kaya ito? Pero pinakita ko pa rin yung totoong ako. Yung tawa ko pinakita ko na, yung kakulitan ko pinakita ko na.” dagdag niya pa.

Sinabi naman ni Gerald na komportable siya sa pakikisama kay Gigi at masarap daw ito kausap.

Handa naman daw siyang maging mentor ng aktres lalo na’t ito ang unang teleserye niya.

“Enjoy. Pace yourself. Kailangan mo na stamina sa trabahong ito. Meron pa tayong 3 days then rest then 4 days ulit. So stamina physically and emotionally. Ako ang coach mo,” ani Gerald.

Hinimok din niya si De Lana na mag ehersisyo upang makatulong ito sa kanyang trabaho.

“Naiintindihan ko naman siya kasi yung momentum talagang pag relax ka na…sa iba yung workout parang trabaho rin yun e. Pero sa awa ng Diyos, para sakin lifestyle. But it’s hard. Sana makapag-inspire pa ko ng ibang tao mag-workout,” paliwanag ni Gerald.

Umaasa naman si Gigi na marami siyang matutunan sa kanyang magiging karanasan sa kanyang bagong trabaho kasama si Gerald.

“More learnings talaga sa genre na ito. More patience din sa sarili ko. Kanina gusto ko na sampalin yung sarili ko kasi parang di ko siya nagagawa. Kailangan ko pa mag-focus. Tiwala sa lahat ng nakakasama ko. Mas ibigay ko pa yung mas nararapat sa role ko,” ani Gigi.

Hindi naman naiwasan ng ilang netizen na mabiro si Julia Barreto na kasalukuyang nobya ni Gerald.

“Coach pa nga” ani ng isang netizen.

“Maghanda ka na Julia!” mensahe naman ng isa pang commentator.

Facebook Comments