Home Social Media Mayor Inday Sara may mensahe sa kanyang mga taga suporta: “Wag niyo payagan na kayo ay Tulfohin”

Mayor Inday Sara may mensahe sa kanyang mga taga suporta: “Wag niyo payagan na kayo ay Tulfohin”

0

Maanghang ang mga naging mensahe ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte laban sa mamamahayag na si Ramon Tulfo.

Ito’y matapos maglabas ng istorya ang nasabing mamamahayag tungkol diumano sa hidwaan sa pagitan ni Inday Sara at ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte dahil kay Sen. Christopher Bong Go.

Sinabi din ni Tulfo sa kanyang artikulo na susuportahan lamang ng Pangulo ang kandidatura ni dating senador Bongbong Marcos kung ang pipiliin nitong bise ay si Go imbis na si Inday Sara.

Sa kanyang Facebook post, tinawag na “Chismis” ni Inday Sara ang mga pinagsasabi ni Tulfo at binatikos din nito ang pahayagan na naglabas ng nasabing artikulo ng mamamahayag.

Tinawag ding ‘bastos’ at ‘mapanghusga’ ng alkalde si Tulfo.

“Nandun na tayo na karamihan sa atin ay Marites pero yung isusulat ang CHISMIS at ipapalabas na ito ay totoong nangyari ay nakaka lalaki na.” ani Inday Sara.

“Sa aking karera sa pulitika marami na ako nakasalamuha na lalaki na tulad ni Tulfo, yung paningin sa mga babae ay hindi nag iisip at ibinabase ang galaw at pananalita sa nararamdaman lamang. Mga lalaking bastos at mapanghusga.” dagdag niya pa.

May mensahe din si Inday Sara sa kanyang mga tagasuporta sa social media.

“Sa buhay ninyo huwag niyo hayaan na kayo ay bastusin dahil sa edad, kasarian o paniniwala. Wag niyo payagan na kayo ay Tulfohin.” ani Inday Sara.

Sa ngayon ay wala pang tugon si Tulfo tungkol sa mga banat sa kanya ni Inday Sara.

Hinihintay din ng mga netizens ang magiging pahayag ni Pangulong Duterte at Sen. Go tungkol sa nasabing artikulo.

 

Facebook Comments