Home Celebrities Sen. Bato, binanatan si Raffy Tulfo: Sino ka para magjudge na failure ang gera kontra droga?

Sen. Bato, binanatan si Raffy Tulfo: Sino ka para magjudge na failure ang gera kontra droga?

0

Hindi nakapagpigil si dating Philippine National Police (PNP) chief, Senador at presidential candidate Ronald “Bato” Dela Rosa sa mga sinabi ng mamamahayag na si Raffy Tulfo tungkol sa gera kontra droga ng kasalukuyang administrasyon.

Matatandaan na pinamunuan ni Dela Rosa ang nasabing programa na nagpasuko sa libo libong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot sa bansa.

Sa panayam naman sa ANC Headstart ay sinabi ni Tulfo na ‘failure’ ang nasabing programa ng gobyerno.

“Definitely a failure, siya (Duterte) mismo umamin niyan kasi sinabi niya in 6 months’ time masosolve niya na ang problema sa drugs then lately siya mismo umamin na di ko pala kaya, kala ko kaya,” ani Tulfo.

Sinabi ni Tulfo na kapag naging senador siya ay isusulong niya ang pagpapatayo ng mga rehab centers para sa mga adik.

“Magopen tayo ng rehabilitation centers…Pag nawala na itong mga addict, na-rehab na sila, then meron yung tinatawag na law of supply and demand. Wala nang nagdedemand, bababa na ang supply,”

Sa panayam sa kanya sa parehong programa ay binatikos ni Dela Rosa si Tulfo dahil sa opinyon nito.

Ayon sa senador ay hindi alam ni Tulfo ang kanyang sinasabi dahil maaring hindi siya nakatira sa lugar kung saan nakatira ang mga simpleng mamamayan na nakakaranas ng takot dahil sa mga gumagamit at nagbebenta ng pinagbabawal na gamot.

“Noon hangang-hanga siya sa drug war. Ngayon failure na. Sino siya para magjudge na failure ang drug war? Siguro yung mga taong nagsasabi na failure ang drug war, ito yung mga tao na nakatira sa gated community, posh subdivisions, very safe sila sa pamumuhay doon dahil guwardiyado sila,” ani Dela Rosa.

“Ano pala ang mga Intsik na napatay dyan? Mga mayor na namatay, mga congressman na tinamaan sa war on drugs?”

“It only goes to show they’re ignorant about the real situation of the drug problem sa Pilipinas,” dagdag pa ng senador.

 

Wala pang tugon si Tulfo na matatandaang nakaranas na ng pambabatikos sa mga taga suporta ng Pangulo dahil sa komento niya tungkol sa mga bumoto dito.
 

Facebook Comments