Home Celebrities Raffy Tulfo gagamitin ang sarilng pera sa kampanya: “Meron naman siguro akong naipon na kaunting pera,”

Raffy Tulfo gagamitin ang sarilng pera sa kampanya: “Meron naman siguro akong naipon na kaunting pera,”

0

Hindi diumano tatanggap ng pera si Raffy Tulfo sa ibang tao para gamitin niya sa kampanya.

Sa panayam sa kanya nitong Oktubre 18 sa ANC ay sinabi niya na sapat na ang kinita niya sa Youtube at endorsement para tustusan ang kanyang sariling kampanya na maaring umabot sa milyon milyong piso.

Matatandaan na isa si Tulfo sa mga pinakapinapanood ng mga tao sa Pilipinas sa Youtube dahil sa kanyang programang Raffy Tulfo in Action (RTIA).

“Napaghandaan ko na ito at meron naman siguro akong naipon na kaunting pera. ‘Yung pagiging YouTuber ko, pagiging endorser ko ng mga produkto, yung pera na yun ay sapat na—sobra sobra pa nga kung tutuusin—para patakbuhin ko ang aking campaign without accepting a single penny from anybody,” ani Tulfo.

Ayon sa kanya ay hindi parin naman siya makakalimot na tumulong sa tao kahit na kailangan niya ding humugot sa sarili niyang bulsa para sa kanyang kampanya.

“Isa ako sa mga top paid employees ng TV5. Yung naipon ko, pwede kong gamitin on top of sa ginagawa kong pagtulong sa mga kababayan natin. Meron pa ring natitira para sa kampanya,” sabi ng mamamahayag.

Ayon sa isang website ay maaring umabot ng 2-B piso ang kinita ni Tulfo sa kanyang Youtube channel pa lamang.

“Malaking portion po no’n ay pinantutulong natin sa mga kababayan natin,” sabi ni Tulfo sa panayam sa kanya noon. “Mayroon din pong napupunta sa akin, sa pangangailangan ko, sa pamilya ko. Pero a big part of that money goes to helping the poor.” 

Si Tulfo ang nangunguna ngayon sa mga survey sa pagkasenador.

Ngunit may ilang netizen na naniniwala na maaring maapektuhan ang popularidad ni Tulfo dahil sa kanyang mga pahayag laban sa mga programa ng administrasyon.

Matatandaan na sinabi ni Tulfo noon na bigo ang Oplan Tokhang ng administrasyon.

Sinabi din nito na pabor siya sa pagbubukas muli ng ABS-CBN na labis na kinokontra ng ilang netizens.

 

Facebook Comments