Home Celebrities Netizens di nagustuhan ang pagsawsaw ni AJ Raval: “Wag ka sumawsaw problemang mag asawa yan!”

Netizens di nagustuhan ang pagsawsaw ni AJ Raval: “Wag ka sumawsaw problemang mag asawa yan!”

0

Ginulat ni Aljur Abrenica ang mga netizens matapos siyang maglabas ng pahayag tungkol sa isyu nila ng dating partner na si Kylie Padilla.

Matatandaan na naging maanghang ang mga pahayag ni Aljur kay Kylie at tila sinasabi nito na ang aktres ang unang nagtaksil sa kanilang dalawa.

Tell them who cheated first. Tell them who are you with right now. Have the courage to settle this. Tell your dad the truth.” ani Aljur.

Todo suporta naman ang pinaghihinalaang nobya ni Aljur na si AJ Raval.

Sa kanyang Facebook ay tinulungan niya si Aljur na ipakalat ang mensahe ng aktor sa mga netizens sa pamamagitan ng pag-share nito sa kanyang page.

Ngunit hindi nagustuhan ng ilang netizens ang ginawang ito ni AJ dahil tila nakikisawsaw ang aktres sa away ng mag asawa.

“Immaturity ang pinapakita mo ah Raval wag Ka po makisawsaw problemang mag asawa Yan. Masabi Lang na supportive hello inaano Ka ba ni Kylie?????ha nilike pa NGA nya pic nyo ni aljur habang nakalingkis Ka sakanya utang na loob distansya muna Kasi dka kasali Dyan oi!” sabi ni netizen Arrieth Acuna.

“Huwag kapo sana munang sumali at magigulo kc usapang mag asawa pa po. saka na support pag kasal na kau ah,” ani Diana Ruby Domeng.

“Para saan bkt kelngan mo p i share? Pra mkita nmin at mlman n c kylie ang my dprensya?..kaya pwede n kayo ni aljur? Pr mlinis name mo? Gusto kita kso hnd mgnda ang mki sali k s problema nila.kht ano gawin at sbhin ni aljur MAG ASAWA parin cla,” komento naman ni Eri Sabido.

Matatandaan na itinanggi na noon pa ni AJ na siya ang third-party sa relasyon ni Aljur at Kylie.

“Just to be clear guys hindi ako naging third party. Okay guys? Mabuti akong tao at hindi ko kayang gumawa ng masama.” sabi ni AJ sa kanyang Facebook post.

Facebook Comments