Home Celebrities Kylie Padilla, tumugon na nga ba kay Aljur Abrenica: “Never Underestimate a man’s ability to make you feel guilty”

Kylie Padilla, tumugon na nga ba kay Aljur Abrenica: “Never Underestimate a man’s ability to make you feel guilty”

0

Maraming netizen ngayon ang nag aabang sa magiging tugon ni Kylie Padilla sa mensahe sa kanya ng dating partner nito na si Aljur Abrenica.

Matatandaan na ginulat ni Aljur ang mga netizens sa kanyang mensahe kay Kylie matapos ang ilang buwan niyang pananahimik sa isyu.

“Tell them who cheated first. Tell them who are you with right now. Have the courage to settle this. Tell your dad the truth. If not for them do it for our children. After so many years will you allow our children let them believe this story that you and dad left for me? At first it was fair for me, to take all the blame. Is it also fine with you guys to let the innocent be attacked with false accusations?” mensahe ng aktor kay Kylie.

Sa ngayon ay wala pang eksaktong tugon si Kylie ngunit sa kanyang Instagram ay ibinahagi niya ang ilang kanta na kanyang pinapatugtog ilang oras matapos ilabas ni Aljur ang nasabing panayam.

Mapapansin na ang ilan sa mga kanta na kanyang ibinahagi ay tungkol sa ‘heartbreak’ na maaring magpasilip kung ano nga ba ang ‘mood’ ni Kylie sa araw na ito.

Sa kanyang huling mensahe sa Instagram ay ibinahagi niya rin ang isang quote mula sa singer na si Rihanna.

“Never underestimate a man’s ability to make you feel guilty for his mistakes,” ayon sa story ni Kylie.

Matatandaan na ilang buwang pinag usapan ang relasyon ni Kylie at Aljur matapos nilang i-anunsyo ang kanilang paghihiwalayan.

Nakatanggap naman ng batikos sa social media si Aljur dahil sa diumano’y panliligaw nito sa aktres na si AJ Raval.

Naniniwala ang ilang netizen na may kinalaman sa relasyon ni Aljur kay AJ ang ginawang desisyon nito na basagin na ang pananahimik niya tungkol sa kanila ni Kylie.

Facebook Comments