Home Celebrities Kaibigan lang! Kylie Padilla, itinanggi na si JM De Guzman ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Aljur

Kaibigan lang! Kylie Padilla, itinanggi na si JM De Guzman ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Aljur

0

Dahil sa mensahe ni Aljur Abrenica kay Kylie Padilla ay nabuhay muli ang isyu ng aktres at ng aktor na si JM De Guzman.

Matatandaan na naging usap usapan noon sa social media ang posibleng relasyon sa pagitan ni Kylie at JM na matapang na itinanong ng isang netizen.

“Totoo po ba na kaya mo iniwan si aljur dahil high maintenance ka po at di afford ni aljur luho mo? Tapos po maraming mayayaman ang nanliligaw sa you patu mga artista at isa dun si @1migueldeguzman yun po kasi ang sabi ni Xian Gaza eh salamat po,” ani netizen @sfb_mryn.

Sinagot naman ito ni Kylie at sinabi na “kaibigan” lamang daw niya si JM.

Kumalat din sa social media ang ilang hindi pa kumpirmadong istorya tungkol sa komprontasyon daw sa pagitan ni Aljur at Kylie noon.

Larawan mula sa Facebook

Si Xian Gaza ang internet celebrity na naglalabas ng ilang impormasyon tungkol sa mga artista.

Kasama na sa inilabas ni Xian ang ligawan sa pagitan ni AJ Raval at Aljur Abrenica na lumabas na totoo din pala.

Sa kanyang panibagong Facebook post ay nagbigay pa ng karagdagang impormasyon si Xian tungkol sa isyu ni Aljur at Kylie.

“Okay lang kay lalaki na masira siya sa publiko upang maprotektahan niya ang imahe ni babae na siyang ina ng kanyang mga anak. Pero dahil mahal na mahal niya si young actress na wala naman talagang ginawang mali, kailangan na niyang magsalita at ilabas ang katotohanan. Ang malupit do’n, ako ang unang naglabas nito sa publiko… both issues. How? Paano? Simple lang… because my name is XIAN GAZA, ang pinaka-Maritess na lalaki sa bansang Pilipinas,” sabi niya.

Sa ngayon ay wala pang tugon si Kylie kung totoo nga ba na siya ang unang nagtaksil sa kanila ni Aljur.

Facebook Comments