Home Celebrities Aljur Abrenica, napuno na kay Kylie Padilla: “Tell them who cheated first. Tell them who are you with right now”

Aljur Abrenica, napuno na kay Kylie Padilla: “Tell them who cheated first. Tell them who are you with right now”

0

Sa unang pagkakataon ay binasag na ni Aljur Abrenica ang kanyang katahimikan tungkol sa isyu nila ng dati niyang partner na si Kylie Padilla.

Sa kanyang Facebook post, hinimok ni Aljur si Kylie na sabihin sa publiko ang katotohanan kung sino nga ba talaga sa kanila ang unang nagtaksil sa kanilang relasyon.

Ayon sa kanya ay karapatan ng mga tao sa paligid nila na malaman ang katotohanan tungkol sa kung ano nga ba talaga ang totoong istorya sa kanilang hiwalayan.

“Don’t hide and disguise your comments, statement for your self gain. Tell them who cheated first. Tell them who wrecked our family. Tell them why I gave up on you not on our family. The people deserves to know. I have no hate for them despite of all the attacks and accusation they have towards me.” ani Aljur.

Binanggit din ni Aljur ang panayam ng ama ni Kylie na si Robin Padilla kung saan ay ibinuking na posibleng may ibang babae ang aktor.

Tinawag ni Aljur na ‘one-sided’ ang nasabing panayam kay Robin.

“When your dad (robin) opened to the public his one sided story. I maintained my silence because of our agreement. But now that people who supports us still throw accusations and reading you’re statements it breaks my heart that you can sit still despite of the truth.”

Tila sinasabi pa ni Aljur sa kanyang post na may kinakasama na si Kylie na iba dahil hinimok nito ang aktres na sabihin kung sino na ang kasama nito ngayon.

“Tell them who cheated first. Tell them who are you with right now. Have the courage to settle this. Tell your dad the truth. If not for them do it for our children. After so many years will you allow our children let them believe this story that you and dad left for me? At first it was fair for me, to take all the blame. Is it also fine with you guys to let the innocent be attacked with false accusations?” tanong ng aktor.

Screencap mula sa post ni Aljur

Wala pang tugon si Kylie sa mensahe sa kanya ni Aljur.

Matatandaan na inulan ng batikos si Aljur dahil sa diumano’y panliligaw nito sa aktres na si AJ Raval kahit na ilang buwan pa lamang magkahiwalay ang aktor at si Kylie.

Itinanggi naman ni AJ na sila na ni Aljur kahit na ilang beses silang nakita sa publiko na magkahawak ang kamay.

 

Facebook Comments