Home Uncategorized John Lapus, humingi ng tulong sa Panginoon: “Yung pangulo namin inaakay na!”

John Lapus, humingi ng tulong sa Panginoon: “Yung pangulo namin inaakay na!”

0

Tumaas ang kilay ng ilang netizens matapos nilang mabasa ang tweet ng television host na si John Lapus tungkol sa kalagayan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang tweet humingi ng tulong si Lapus sa Diyos dahil ang 76-anyos na Pangulo daw ng bansa ay inaakay na lamang.

“Diyos ko Lord! Tulungan nyo po kami. Yung Pangulo namin inaakay na.” ani Lapus na isang kritiko ng Pangulo.

Halo naman ang reaksyon ng mga netizens dito.

Ibinahagi ni Lapus ang kanyang tweet matapos magpakita sa publiko si Pangulong Duterte para samahan si Senador Christopher “Bong” Go na maghain ng kanyang certificate of candidacy sa pagka bise presidente.

Inanunsyo din ng Pangulo ang kanyang pagreretiro sa politika.

“Alam mo ang karma? Matanda na Yong tao, binu bully mo pa. Dahan dahan baka bukas or di natin Alam, malalaman mo nalng ikaw naman ang inaakay,” ani @zedmik.

“Buti nalng yung matanda n inaakay na may silbi… e ikaw? Anung meron k?anung na e ambag mo bilang isang tao s bayan mo?” sabi naman ni netizen @MalouCasane.

“Lahat ng tumatakbong president kinakalaban at lahat ng naging president kinakalaban din ugali talaga ng pinoy di ko maintindihan,” komento ni @loveremoleje

Hindi na bago kay Lapus ang batikusin si Pangulong Duterte.

Noong Septyembre lamang ay minaliit ni Lapus ang talino ni Duterte.

Matatandaan na doble ingat ang mga staff ng Pangulo dahil narin sa may edad na ito at maaring mawalan ito ng balanse habang naglalakad.

Hindi na bago ang mga Pangulo na nakikita sa publiko habang nawawalan ng balanse.

Kahit ang Pangulo ng Estados Unidos na si Joe Biden ay naging usap usapan din noon ng mawalan ito ng balanse habang umaakyat sa eroplano nitong nakaraang Marso.

 

 

Facebook Comments