Home Uncategorized Raffy Tulfo, hindi daw tatakbo bilang ka-tandem ni Manny Pacquiao sa susunod na eleksyon

Raffy Tulfo, hindi daw tatakbo bilang ka-tandem ni Manny Pacquiao sa susunod na eleksyon

0

Usap usapan ngayon sa social media ang posibleng tambalan ni Senador Manny Pacquiao at mamamahayag na si Raffy Tulfo sa 2022.

Matatandaan na noong nakaraang linggo ay inilabas ng Pep.ph ang isang balita tungkol sa pagpapaalam diumano ni Tulfo sa kanyang istasyon na TV5 dahil sasabak na siya sa politika sa susunod na taon.

Isa sa mga posibleng posisyon na tatakbuhin ni Tulfo ay Bise Presidente ni Pacquiao.

Ngunit nilinaw naman ng source ng Pep na hindi ang ikalawang pinakamataas na posisyon sa gobyerno ang gustong abutin ni Tulfo.

Ayon sa insider ay tatakbo si Tulfo na pagkasenador at hindi para maging bise ni Pacquiao.

Pumayag naman daw ang TV5 sa naging desisyon ng mamamahayag.

Inaasahan naman na mawawala sa telebisyon si Tulfo dahil ipinagbabawal ng Omnibus Election Code ng Pilipinas ang paglabas ng mga kandidato sa telebisyon kapag nakapaghain na sila ng certificate of candidacy.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag si Tulfo kung ano nga ba ang kanyang magiging plano sa 2022.

Ang posibleng pagpasok sa politika ni Tulfo ang itinuturong dahilan ng ilan niyang kritiko kung bakit tila nagpapasaring ito tungkol sa kasalukuyang pamumuno.

Nitong September 20 ay naglabas ito ng kanyang saloobin tungkol sa ibinasurang prangkisa ng ABS-CBN at tila sinabi na maibabalik ito pag tapos na ang termino ng kasalukuyang namumuno.

“Huwag kayong malungkot dahil… 9-10 months,” ani Tulfo.

“Ten thousand kasi ang nawalan ng trabaho. Kung pwedeng baka sabihin ni Lord, sige ten months, okay na ulit. Di ba?

“Kumabaga, magbabanggaan yong 16 million versus 42 million subscribers.”

Facebook Comments