Home Celebrities Bongbong Marcos, naiyak sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga : “She does a better job than some of the journalist”

Bongbong Marcos, naiyak sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga : “She does a better job than some of the journalist”

0

Sa unang pagkakataon ay nagsalita na si dating Senador Bongbong Marcos tungkol sa mga pambabatikos na natanggap ng panayam sa kanya ng aktres at television host na si Toni Gonzaga.

Sa programang Tutok Erwin Tulfo ay nabigyan ng pagkakataon si Marcos na ipagtanggol si Toni mula sa kanyang mga kritiko.

Ayon kay Marcos ay ikinagulat niya ang mga negatibong reaksyon ng mga netizens kay Toni dahil ginagawa lamang daw naman ng aktres ang kanyang trabaho.

“Nagulat ako bakit naman inatake si Toni at ginagawa niya lamang ang trabaho niya, she’s a vlogger, nag interview lang naman siya, lahat naman iniinterview niya e wala naman siyang pinipili,” ani ng dating Senador.

“Kung makikita mo ‘yung mga ini-interview niya, iba iba e bakit sakin lang may reaksyon na ganyan, kung nagagalit kayo sa’kin okay lang, magalit kayo sa’kin pero wala namang kasalanan si Toni,” dagdag niya pa.

bonbong tony

Naniniwala din si Marcos na nakatulong ang mga pambabatikos ng mga netizens kay Toni sa pagdami ng ‘likes’ at ‘views’ ng nasabing episode dahil naipakita ng mga tao ang suporta nila sa aktres.

“Maski ‘yung subscribers niya dumami ng mahigit 100,000 dahil yan sa gulo na dinala kay Toni Gonzaga,” sabi ni Marcos.

Pinuri naman ni Marcos si Toni at sinabi na kahit isa lamang siyang vlogger ay tila mas mahusay pa ito kaysa sa ilang mga mamamahayag.

Inamin din nito na naging emosyonal din siya habang kinakausap ni Toni dahil naalala

“She’s a vlogger, she’s not a journalist although, I have to say, she does a better job than some of the journalists.

“Kung titignan mo ‘yung mga interview niya kasama na ako don, naranasan ko e ang galing niya talagang makakuha ng impormasyon, background, ng kwento tungkol sa tao na hindi nakukuha ng iba.

“Pati ako naiyak ako don sa interview, hindi naman ako iyakin. Magaling talaga siya ang sarap kausap kaya sucessful siya.” saad ni Marcos.

Sa ngayon ay umabot na ng mahigit 4-M views ang nasabing panayam ni Toni kay Marcos.

Facebook Comments