Lubos ang pagsisisi ni Ate Gay sa kanyang mga nai-post sa social media na diumano’y naging dahilan upang batikusin siya ng kapwa niya komedyante na si Vice Ganda sa national television.
Sa kanyang Instagram post ay ipinaliwanag ni Ate Gay na may masama siyang intensyon sa paglalabas niya ng listahan ng mga tumulong sa kanya.
Humingi ito ng tawad kay Vice at hiniling na sana’y mapatawad pa siya nito.
“Naprovoke lang po ako sa isang fan na sabihan ako na sana di nalang ako tinulungan ni vice sana NAMATAY nalang ako kaya nilabas ko mga amount ng tumulong sa akin..”
“Nagpapasalamat ako kay vice at si ogie diaz ang tulay sa pagsosorry ko kay vice.. masyado lang ako nasaktan sa basher.. sana mapatawad nyo ako .. lalo na mga kaibigan kong tumulong sa akin at sa kapatid ko..”
View this post on Instagram
Matatandaan na pinasaringan ni Vice si Ate Gay dahil sa inilabas nito ang kanyang pangalan at kung magkano ang kanyang naibigay na tulong noong nasa ospital pa ang komedyante.
Ayon sa post ni Ate Gay ay 20,000 ang natanggap niya kay Vice kumpara sa 600,000 na nakuha niya sa kanyang kapatid.
“May natulungan ako. Hindi ko pinagmalaking tinulungan ko pero ‘yung tinulungan ko, sinabi niyang tinulungan ko siya. Tapos nilabas niya kung magkano ‘yung tinulong ko sa kanya. Tapos nabasa ko sa mga comments. ‘Ha? Gano’n lang pala binigay ni Vice Ganda 20,000 lang? Napalunog ako, kapag ako ba ‘yung tumulong dapat may presyo?” ani Vice.
“Tumulong na ako nang kusa, ayoko nga magpa-acknowledge, kaya hindi ko sinasabi. Pero ‘yung nilabas mo pangalan ko, tapos inokray pa ako ‘bakit 20,000 lang ang binigay?’ nasaktan ako. Kapag hindi ka tumulong, parang ang sama mo. Pag tumulong ka, kukwestunin. ‘Bakit ‘yun lang ang tinulong mo?’ that hurts,” dagdag niya pa.