Home Celebrities Vice Ganda may pasaring kay Ate Gay: “Nilabas mo pangalan ko, inokray pa ako”

Vice Ganda may pasaring kay Ate Gay: “Nilabas mo pangalan ko, inokray pa ako”

0

Sa unang pagkakataon ay nagsalita na si Vice Ganda tungkol sa mga Facebook post ng komedyante na si Gil ‘Ate Gay’ Morales na matatandaan na tinulungan niya matapos itong maospital.

Sa noontime show na It’s Showtime ay nagpasaring si Vice tungkol sa isang tao na tinulungan niya noong ito’y nangangailangan.

Inilabas ni Vice ang kanyang sama ng loob dahil sa tila lumabas pa siya na masama dahil sa pagtulong niya sa nasabing komedyante.

“May natulungan ako. Hindi ko pinagmalaking tinulungan ko pero ‘yung tinulungan ko, sinabi niyang tinulungan ko siya. Tapos nilabas niya kung magkano ‘yung tinulong ko sa kanya. Tapos nabasa ko sa mga comments. ‘Ha? Gano’n lang pala binigay ni Vice Ganda 20,000 lang? Napalunog ako, kapag ako ba ‘yung tumulong dapat may presyo?” ani Vice.

“Tumulong na ako nang kusa, ayoko nga magpa-acknowledge, kaya hindi ko sinasabi. Pero ‘yung nilabas mo pangalan ko, tapos inokray pa ako ‘bakit 20,000 lang ang binigay?’ nasaktan ako. Kapag hindi ka tumulong, parang ang sama mo. Pag tumulong ka, kukwestunin. ‘Bakit ‘yun lang ang tinulong mo?’ that hurts,” dagdag niya pa.

Hindi man direktang pinangalanan ni Vice ang pinapasaringan niya ay maraming netizen ang agad na nalaman na si Ate Gay ang binabangit nito.

Sa ngayon ay wala pang tugon si Ate Gay sa sinabi sa kanya ni Vice.

Matatandaan na naging usap usapan si Ate Gay dahil ibinahagi niya sa kanyang Facebook post ang mga taong tumulong sa kanya noong siya’y nasa ospital.

Isa na rito si Vice Ganda at sinabi na 20,000 ang itinulong ng komedyante sa kay Ate Gay kumpara sa 600,000 na natanggap nito mula sa kanyang kapatid.

ate gay 2 e1631533169101 Ate Gay A 2 560x1024 1

May ilan na nagsabi na tila pinalabas pa daw ni Ate Gay na hindi naman kalakihan ang ibinigay ni Vice, ngunit mariin itong itinanggi ng komedyante.

Ibinahagi din ni Ate Gay sa panayam sa kanya ng talent manager na si Ogie Diaz na nahihiya siya kay Vice dahil nadadamay siya sa mga pambabatikos na natatanggap niya mula sa mga netizens.

Facebook Comments