Ipinagtanggol ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz ang aktres na si Toni Gonzaga mula sa mga bashers nito sa social media.
Matatandaan na naging usap usapan sa social media ang ginawang panayam ni Toni kay dating Senador Bongbong Marcos sa programa niya na ‘Toni Talks’
Hindi naman nagustuhan ng ilang netizens ang ginawang ito ni Toni dahil sa binibigyan daw nito ng pagkakataon ang mga Marcos na magpakalat ng maling impormasyon.
Hinimok din ng Ateneo Martial Law Museum si Toni na imbitahan ang mga biktima ng mga Marcos sa kanyang susunod na episode.
Pero kung si Ogie ang tatanungin, hindi na kailangan pa ni Toni na kapanayamin ang mga biktima ng martial law.
Sinabi pa ng talent manager na kung ayaw nila sa mga ginagawa ni Toni ay gumawa na lamang sila ng sarili nilang Youtube channel upang kontrahin ang mga impormasyon na lumabas sa channel ng aktres.
“Kahit naman ako si Toni Gonzaga, bakit ko iinterbyuhin ang mga Martial Law victims?
“Andu’n na ako. Na wala ako doon. Na naiintindihan ko sila. Na somehow, alam ko din yon, kahit 2yo pa lang ako at that time at nalaman ko lang nung malaki na ako. Na nakikidalamhati tayo.
“Ano ba ang gusto nilang ikorek ke Toni eh nagtatanong lang naman yong tao? Kung feeling ng ibang netizens at historians na mali si Toni, mali ng claim si Bongbong Marcos, eh di gawa rin kayo ng youtube channel, tirahin n’yo si Toni, boldyakin n’yo si Bongbong.
“Ilabas n’yo yung mga itinatago n’yong ebidensiya ng mga biktima ng Martial Law at ipamukha n’yo kay Toni o kay Bongbong at i-remind n’yo uli yung sambayanang Pilipino sa madilim na kasaysayan ng bansa nu’ng Martial Law. Di ba, mas okay yon? Mas kumpleto n’yong maipe-present ang kasaysayan noon.
“Pero ‘yung i-demand n’yo kay Toni na interbyuhin din niya ang mga biktima o pamilya ng mga biktima ng Martial Law, di ba, ka-oeyan yan? Unless pagbigyan kayo ni Toni. Choice niya na yon, dahil siya may-ari ng channel niya.” ani Ogie sa kanyang Facebook post.
Naniniwala din si Ogie na lalo pang nagpadami ng views sa nasabing episode ng Toni Talks dahil sa pambabatikos ng mga netizens sa aktres.
“Tingnan n’yo, kakasita n’yo kay Toni, ang daming na-curious, pumunta sa yt channel ni Toni, pinanood nila yung Bongbong interview, nakadagdag pa ng views.”
Sa ngayon ay umabot na ng 2,300 reactions ang nasabing post ni Ogie.
Pabor naman ang ilang kaibigan ni Ogie sa kanyang opinyon.
“Mama Ogs, eto nalang eh, sino ba ang may kinita ngayon ng maraming salapi? C Toni G db? E ung mga wokes at bashers, may nahita ba clang datung? Nganga!!! Susme! Mag YT nalang den kayo ng kumita pa kayo ng pera!” komento ng isa sa mga kaibigan ni Ogie.