Home Celebrities Cristy Fermin, nagsalita tungkol sa pagpapa ‘retoke’ ng mukha ni Jinkee Pacquiao: “Nagsalamat doc na siya”

Cristy Fermin, nagsalita tungkol sa pagpapa ‘retoke’ ng mukha ni Jinkee Pacquiao: “Nagsalamat doc na siya”

0

Muling binanatan ng radio host at kolumnista na si Cristy Fermin ang asawa ni pambansang kamao Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao.

Matatandaan na pinuna ng mga netizens si Cristy matapos pagkumparahin ng kolumnista si Jinkee at ang aktres na si Kristine Hermosa noong Miyerkules.

“Siguro naman ay hindi ‘yon sinadya ni Aling Jinkee. Dahil kahit ano naman siguro ang gawin niya, isubsob pa niya sa ulo niya mukha niya, hindi niya makakahawig si Kristine Hermosa,” ani Cristy.

“Dahil si Kristine, tunay, organic, walang operasyon, ‘di ba? Eh si Jinkee alam naman natin kung ano pinagdaanan ng kanyang kagandahang pinanghahawakan ngayon. If you want to look beautiful, go to Belo.

“’Di ba, gano’n? At talaga namang naging kliyente siya ni Dra. Vicki Belo at naging endorser pa nga ng isang produkto,” dagdag niya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao)

Sa kanyang radio program muli na Cristy Ferminute nitong Huwebes ay dinepensahan niya ang kanyang sarili at sinabi nito na nagpapakatotoo lamang siya sa kanyang mga komento kay Jinkee.

Sinagot din nito ang mga netizens na nagsasabi na inggit lamang siya dahil wala siyang pera para magparetoke katulad ni Jinkee.

“Hindi ko kailangan ng pera para magparetoke, napakadami kong anak anakan na doktor,” sabi ni Cristy.

Ayon kay Cristy ay hindi niya hilig na magpagalaw ng mukha at hindi siya kailanman nagparetoke.

jinkee pacquiao before after

“Kung ako ay mabibiyayaan ng malaking halaga hindi parin po ang pagpapa ayos ng mukha ang aking pagtutuunan, ‘yung mga pangunahing pangangailangan ng aking pamilya,” ani Cristy.

Nilinaw din nito na sinabi niya lang ang kanyang opinyon tungkol kay Kristine at nakita niya naman talaga na hindi nagparetoke ang aktres.

“Yung sa kanya (Kristine) ay totoo, tunay. Ako naman nakita ko si Jinkee Pacquiao noong hindi pa siya nagpapa ayos ng mukha at katawan,” saad ni Cristy.

“Hindi naman po ako bulag para hindi ko sabihin na napakalaki ng pagbabago so pinaninindigan ko na ‘yung kay Kristine Hermosa ay organic, ‘yung kay Jinkee nagsalamat doktor po na siya at ilang herenggilya na ang pumasok sa kanyang mukha,” dagdag niya pa.

“Walang masama don, pera niya naman ang kanyang pinangretoke e,”

Wala pang pahayag si Jinkee tungkol sa mga panibagong banat ni Cristy.

Facebook Comments