Home Celebrities Yen Santos ‘masarap’ daw kausap kaya tinawag ni Paolo Contis: “Mother figure si Yen”

Yen Santos ‘masarap’ daw kausap kaya tinawag ni Paolo Contis: “Mother figure si Yen”

0

Hindi parin kumbinsido ang talent manager at showbiz reporter na si Lolit Solis na may namumuo ng relasyon sa pagitan ni Paolo Contis at Yen Santos.

Sa kanilang programa sa Pilipino Star Ngayon na ‘Take it … Per Minute, Me Ganun!’ ibinahagi ni Lolit ang kanyang opinyon tungkol kay Yen at Paolo sa kanyang mga co-host na si Cristy Fermin at Mr. Fu.

241660146 640747813976044 9173671098080339934 n

Tinanong kasi ni Mr. Fu si Lolit kung bakit si Yen ang piniling makausap ni Paolo imbis na ang mga kaibigan niya katulad ng talent manager.

Tingin ni Lolit ay ‘mother figure’ ni Paolo si Yen.

“Best friends sila ni Yen. Mother figure si Yen. Si Yen ang masarap kausap buong maghapon,” ani Lolit.

Kahit si Cristy ay napatanong sa sinabi ni Lolit.

“Masarap kausap?” tanong ng kontrobersiyal na radio host at kolumnista.

Kahit si Mr. Fu din ay napatanong at sinabi naman ni Lolit na sigurado siyang magkaibigan lang ang aktor at aktres.

Matatandaan na inamin ni Paolo na nagkasama nga sila ni Yen sa Baguio sa gitna ng hiwalayan nila ni LJ Reyes.

Ngunit ayon kay Paolo ay magkaibigan lamang sila ni Yen.

Inamin nito na nagkaroon siya ng kabit, ngunit iginiit niya na hindi ito si Yen.

“Yen Santos was never the reason of our break up. I was. Kung matagal na kaming hindi okay ni LJ, it was mainly because of me. Masyado niyo siyang diniin sa issue na to. Pati pag promote namin ng movie nabahiran na ng kung ano ano,” ani Paolo.

Facebook Comments