Tila bigong makumbinsi ng aktor na si Paolo Contis ang mga netizens sa kanyang pahayag nitong September 9 kung saan ay mariin nitong itinanggi na kaibigan niya lamang ang aktres na si Yen Santos.
Paliwanag niya ay isang araw lamang sila magkasama ni Yen dahil wala naman daw siyang makausap habang nag iisip isip sa Baguio.
“Yen Santos, she was never the reason of our break up… I went to Baguio for 3 days dahil ayaw ko sa Manila at gusto kong makapag isip isip. Naging insensitive ako about the possible effects nung issue and I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din.” ani Paolo.
“She went there as a friend. Hindi ko naisip na madadamay siya ng ganito. I’m sorry for this.” dagdag niya pa.
Sa ilang komento sa social media ay makikita na kakaunti lamang ang napaniwala ni Paolo sa kanyang paliwanag na nagkita nga sila ni Yen sa Baguio ngunit bilang isang kaibigan lamang.
Kita kasi sa ilang litrato at video na kumalat na tila dikit na dikit si Paolo at Yen sa isa’t isa.
“Hindi genuine ang pagmamahal mo kay LJ at sa pamilya mo Paolo Contis, nor you’re committed! Because you will never give up your family just for a girl that you’ve newly met.” sabi ni netizen Jeff Ojero.
“You’re having a serious problem with your family tapos nag unwind ka lang para i relax sarili mo?” ani Mitch Calupe
“Everyone will resort to this excuse once busted that’s why its the most overused excuse of all time. friends lang kami.” komento naman ni Dein Richards.
May ilang netizens naman ang sinabi na hindi nila papanoorin ang pelikula kung saan magkatambal si Yen at Paolo.
Sa ngayon ay wala pang tugon si LJ at Yen tungkol sa mga pahayag ni Paolo.